^

Punto Mo

Para-paraan para mabawasan ang timbang (Part 5)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Iwasang bumili ng tinapay at harina na may nakasulat na “enriched” sa packaging. Mas lalong nakakataba ang “enriched foods”. ‘Enriched’ means the nutrients have been stripped and then added back in, leaving you with basically nutrient-empty calories”. Sa halip,  ang bilhin ay whole grain products, kagaya ng wheat bread, whole-wheat flour at old-fashioned oats (hindi instant at mas matagal na pinakukuluan) na mas nakakabusog at masustansiya.

• Sa isang pag-aaral na ginawa noong 2007 sa Pennsylvania University, nababawasan ng 20 percent ang nakakain kung kakain muna ng sabaw na pulos gulay ang sahog bago magtanghalian o maghapunan.

• Bawasan ang pag-inom ng gatas. Kung hindi maiwasan, skim milk ang gamitin dahil mas mababa ang calories nito kumpara sa ibang klaseng gatas.

• Bawasan ang kinakaing candy or chocolate araw-araw.

• Nguyain nang mas matagal ang pagkain upang mabawasan ng 12 percent ang iyong kinakain. Ang average number ng pagnguya ay 15 times ngunit mas mainam na  40 chews ang gawin bago lunukin ang pagkain.

• Dagdagan ang pagkain ng mayaman sa fiber kagaya ng mansanas (with skin), banana, raisin, brown rice, cashew, whole wheat pasta, peanuts, broccoli, petsay, etc.

• Mag-focus sa mas malalim na dahilan kung bakit gusto mong magbawas ng timbang. Mas malalim, mas malaki ang tsansang magtagumpay ka sa iyong goal.

• Lumabas at magpa-araw ng 15 minutes tuwing umaga upang makakuha ng vitamin D na nakakapagdulot ng sigla sa katawan.
 

vuukle comment

WEIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with