^

Punto Mo

Atong Ang, parang‘rock star’ sa Senado!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PARANG pulitika rin pala ang sitwasyon nitong kontro­bersiyal na palaro na e-sabong na sentro sa ngayon ng imbestigasyon ng Senado ukol sa missing sabungeros. Kasi nga mga kosa, nagngingitngit ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang dahil malakas ang suspetsa niya na nagsasabwatan ang kanyang mga karibal  sa e-sabong para maipasara ang kanyang negosyo. Parang “rock star” si Ang nang mag-testify sa Senado kung saan pinangalanan niya ang mga negosyanteng sina Bong Pineda, Cong. Teves, Patrick Antonio, Mayor Elan Nagano at retired Gen. Camilo Cascolan na dumidiin sa kanya sa kaso ng missing sabungeros, hihihi! Puro bigtime sabungero rin naman ang mga karibal ni Ang, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ayon kay Ang, halos 90 hanggang 95 porsiyento ng mga adik sa sabong ay tumataya sa kanya at aabot ang kubransa niya sa P60 bilyon kada buwan. Hamakin mong pitsa ‘yan? Tinalo pa ang kita ng ilang sangay ng gobyerno lalo na ang PAGCOR na ang kita lang sa e-sabong ay P640 milyon. Tumpak! Kaya kapag nagsara ang Lucky 8 Star Quest Inc, na nagpapatakbo ng Pitmaster Live ni Ang, abaaaaa kaon ang anim na kompanya pag nagkataon, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kaya kapag ipinasara ang Pitmaster Live niya, nais ni Ang na damay-damay na silang lahat. Araguuyyyyy! Dipugaaaaa!

Kaya ko naman nasabing parang pulitika ang sitwasyon ng Pitmaster Live kasi halos parehas ang nangyayari sa kampo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos na ginagang-up ng mga kalaban niya. Ang sabi nga ni Vice Presidential hopeful Walden Bello kailangan nilang tirahin ang leading sa presidential surveys para mapansin sila. At ‘yan nga ay si BBM na sa huling Laylo Survey ay nakakuha ng 63 percent kaya hindi lang si Bello ang bumibira sa una kundi halos lahat na nang mga katunggali n’ya, di ba Atty. Benhur Abalos Sir?

Parehas kasing nangunguna sa laban nila sina BBM at Ang kaya’t natural lang na sila ang mapagbalingan ng black propaganda ng mga kalaban, di ba mga kosa? Araguuyyyyy! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Inamin ni Ang na nakalagay sa balag ng alanganin ang buhay niya dahil sa pagbubunyag niya sa Senado ng mga nakipagsabwatan para hilahin siya pababa. Ayon sa kanya, kaya n’yang patunayan na inosente siya subalit mukhang may mga senador na ayaw nang palakihin ang isyu dahil ang una lang ang may problema sa kanyang negosyo. Kung sabagay, maraming kaso sa missing sabungeros na galing sa mga sabungan ni Ang bago sila na-magic at mawala na parang bula. Subalit iginiit ni Ang na hindi siya sangkot sa mga kaso. Owwwww?

Sinabi naman ni Pagcor chairwoman Andrea Domingo na hindi niya kayang ipasara ang negosyo ni Ang dahil wala naman siyang natatanggap na order mula kay President Digong. Hak hak hak! Moro-moro lang kaya ang hearing ng Senado? Mukhang wala namang ngipin itong rekomendasyon ni Sen. Bato dela Rosa, ang head ng Committee on Peace and Order na suspendihin ang e-sabong. Puro hangin lang! Hak hak hak! Kahit nag-iingay si Sir Bato at iba pang senador, tuloy lang naman ang e-sabong. Magkano....este paano na? Mismooooo! Ano pa ba ang bago d’yan mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with