Cordillera police, nasungkit ang Gold Eagle award ng PNP!
NASUNGKIT na naman ng Cordillera police ang pinakamimithing Gold Eagle matapos pangunahan ang buong Philippine National Police sa pag-implement ng PNP Patrol Plan 2030. Ang Cordillera police sa liderato ni Brig. Gen. Ronald Lee ay nagkamit ng 96.82 rating sa Institutionalization Evaluation Process kaya’t hands down itong nanalo ng Gold Eagle award. Dipugaaaaa! Itong Gold Eagle mga kosa ay ang pinakamataas na award na ibinibigay ng PNP sa kanyang regional offices na nagtapos ng iba’t ibang hakbangin ng kanilang transformation plan.
Pangatlong Gold Eagle award na ito ng Cordillera police at may bonus pa na silver award. “We take pride to be the only Police Regional Office to make the record of having a gold, silver, gold streak for the first three stages of the PGS (Performance Governance System),” ani Gen. Lee. “This is because of our good foundation set by those who came before us, our dedicated and most disciplined personnel, and our supportive community,” ang dagdag pa ni Gen. Lee. Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!
Ang certificate at pin at Gold award ay tinanggap ni Gen. Lee kina Lt. Gen. Marni Marcos Jr., commander ng Area Police Command-Northern Luzon; Maj. Gen. Val de Leon, vice-chairperson ng Technical Working Group ng PPP 2030 at Brig. Gen. Randolf Balonglong, director ng Center for Police Strategy Management (CPSM) sa isang simple ceremony sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet ng nakaraang linggo. Ang PNP ay may 17 regional officers at alam n’yo na mga kosa kung ilang PRO ang iniwanan ng Cordillera police ng alikabok. Araguuyyyyy!
Sa naturang okasyon, nag-abot din ng mga medals at plake sa Regional Advisory Group for Police Transformation and Development sa mga local chief executive na sumuporta sa kanilang mga adhikain. Mabuhay ang mga awardees! Hak hak hak! Lalong magsisipag ang Cordillera police at kanilang mga community supporters para dumami ang kanilang Gold Eagle award, di ba mga kosa?
Itong PGS mga kosa ay isang performance management framework na naipundar ng Institute for Solidarity in Asia, at ang inadopt na modelo ay ang Harvard Business School Balanced Scorecard technology. Ayon kay Capt. Marnie Abellanida, deputy spokesman ng Cordillera police may apat na matatawag na Governance Pathway itong PGS at ito ay ang initiation stage, compliance stage, proficiency stage at initialization stage.
Sa pagkaalam ko, ang long-term transformation plan ng PNP na matawag na Peace and order agenda for Transformation and Upholding the Rule of Law (PATROL) Plan 2030 ay inilunsad noong panahon ni PNP chief Alan Purisima. Ang paglalakbay ng Cordillera police sa PGS ay nagsimula noong December 2013 kung saan pumasa sila sa initial stage at nanalo ng Gold Eagle award, ani Capt. Abellanida. Nagka-Silver Eagle award sila sa compliance stage noong Agosto 2015.
Bumalik ang Gold Eagle award sa Cordillera police sa proficiency stage noong Enero 2018 at naulit uli nitong Enero 21. Siyempre, pinasalamatan ni Gen. Lee ang kanyang mga tauhan at ang komunidad sa Cordillera dahil nakamtan nila ang Gold Eagle award bunga sa kanilang walang patid na suporta. Mismooooo! Abangan!
- Latest