^

Punto Mo

PRAI party-list, umaarangkada!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAG-ORGANISA ang mga retiradong pulis at militar, pati na ang kanilang mga pamilya, para ipagpatuloy ang pagmintina ng peace and order sa bansa. Hindi sila bibitbit ng armas mga kosa dahil ang laban nila ay dadalhin na nila sa ibang kuwadra-sa pulitika. Itong grupo na pinangungunahan ni retired Gen. Reynaldo Velasco ay mga miyembro ng Philippine National Police ­Retirees Association Inc. (PRAI) na nai-transform nila bilang isang party-list organization upang iparating sa Kongreso ang mga concerns ng retirees at beteranong pulis at militar.

“We want to be the voice of MUPs in Congress so that their interests, aspirations, rights earned and vested by laws can be heard, protected, and implemented at the soonest possible time,” ang giit ni Velasco. “PRAI aims to prepare and support you and all retired MUPs as you all move on to and live the next chapter of your lives,” ang dagdag pa ni Velasco.

Ibang laban na itong susuungin ng tropa ni Velasco, ano mga kosa? Pero dapat suportahan ito ng lahat ng retiradong pulis at militar, pati ang kani-kanilang pamilya, dahil kapakanan nila ang nakataya dito. Mismooooo! Hihihi! Itsa-puwera ang mga kabit ha?

Hindi naman biro kasi na itinaya ng mga retiradong pulis at militar ang kanilang buhay sa pagserbisyo sa Pinas at panahon na para makuha naman nila ang lahat ng benipisyo na iniatang ng batas na para sa kanila sa pamamagitan ng tulong ng PRAI. Ang PRAI mga kosa ay tumutulong sa mga pulis at militar para maging maayos ang transition nila mula sa aktibo sa serbisyo hanggang magretiro sila.

“We will help ensure your smooth transition to a happy retired life through the PRAI H.E.L.P.S. program.  PRAI H.E.L.P.S. is designed to address your needs as retirees with modern and effective solutions after giving the best years of your life serving the country,” ani Velasco. “Other main concerns of PRAI are healthcare, housing, education, environment, livelihood, pension and poverty alleviation and social services, especially when police and military retirees and their families are involved,” ang giit pa ni Velasco. Mismooooo! Hihihi! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan, mga kosa? Dipugaaaaa!

Si Velasco ay 3-star general nang magretiro sa PNP. Naging chairman at administrator siya ng Metropolitan Manila Waterworks ang Sewerage System (MWSS). Ang mga kasama niya sa mga adhikain ng PRAI na i-represent ang mga retired military at uniformed personnel (MUP) na under-represented sector ng society sa Kongreso ay sina Gen’s. Leo Napenas, Van Luspo, Angel Sales at Eduardo de Guzman. Maaring makontak ang PRAI sa kanilang opisina sa tabi ng PNP headquarters sa Camp Crame o sa kanilang website (www.prai.ph), social media platforms Facebook and Twitter and email address: [email protected]. Maliban sa retiradong pulis at military, miyembro rin ng PRAI ang galing sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard. Dipugaaaaa!

Huwag kalimutan ang PRAI Party-list sa inyong balota sa Mayo 9, mga kosa. Dipugaaaaa! Abangan!

REYNALDO VELASCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with