^

Punto Mo

P22-M Lamborghini, susunugin ng BoC?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NANGANGANIB na sunugin ng Bureau of Customs (BoC) ang P22 milyon na Lamborghini Murcielago at iba pang mamahaling sasakyan na nakumpiska sa isang warehouse sa Quezon City dahil sa kawalan ng paliwanag mula sa mga may-ari nito. Sinabi ni Joel Pinawin, chief ng intelligence division ng BoC na ang may-ari lang ng Ferrari ang nagsumite ng dokumento kaya magkakaroon ng hearing patungkol sa kumpiskadong luxury cars. At kapag napatunayan na hindi nagbayad ng tamang Customs duties and taxes ang may-ari ng Lamborghini, aba susunugin na ang mga ito, ani Pinawin. Araguuyyyyyy!

Sa paunang imbestigasyon ni Pinawin, lumalabas na dispalinghado ang mga dokumento ng Lamborghini dahil pinalabas ito na 2012 model subalit sa chassis number nito ay 2008 model. Ang isang luxury car ay dineklarang Shelby samantalang Ford Shelby GT 500 dapat ito, ang dagdag pa ni Linawin. Kaya noong nagdaang linggo, inisyuhan ng BoC ng warrant of seizure and detention ang Lamborghini at kasamang sasakyan, at hinila ito para i-custody sa kanilang warehouse. Araguuyyyyy! Hihihi! Sakit ng ulo ng may-ari nitong Lamborghini at iba pang luxury cars kapag sinunog ang mga ito ng BoC. Mismooooooo!

Sinabi naman ng abogado ng may-ari ng sasakyan na si Atty. Fritz Micah Diumano na kaya nilang magsumite ng proper documentation para mai-release ang luxury cars kahit may warrant of seizure ang detention na ang mga ito. Ani Diumano ang mga luxury cars ay legitimately purchased. Wowwwww!

Kung bakit matagal ilabas ng kliyente ni Diumano ang papeles ng mga luxury cars, aba siya lang ang nakaaalam ng dahilan, di ba mga kosa? Kasi nga, kapag may-ari ka ng sasakyan, matic na ang xerox copy ng OR/CR nito ay nasa glove compartment  samantalang ang original copy ay nakatago sa bahay, lalo na at milyones ang halaga ng kotse mo, di ba mga kosa? Eh halos tatlong linggo nang na-raid ang warehouse, bakit hirap maglabas ng papeles ang kliyente ni Atty. Diumano? Mismoooooooo! Tsk tsk tsk! Tanong lang po Atty. Diumano.

Inamin din ni Atty. Diumano na ang kliyente niya rin ang may-ari ng STL franchise na nasa likod ng bulto-bultong coins sa warehouse. Dahil sa STL ang taya ay kadalasan barya kaya naipon ang coins dahil sa nahihirapan ang STL operators sa buong bansa na i-dispose ang mga ito dahil sa panahon ng pandemya, ani Atty. Diumano. Ang dagdag pa ni Atty. Diumano na maging ang banko ay hindi tinatanggap ang coins dahil nahihirapan din silang i-circulate ang mga ito.

At higit sa lahat, alam ng PCSO na nasa warehouse lang ang mga coins. Subalit klaro pa sa sikat ng araw na sinabi ng ahente ng NBI na kaya nila natunton ang mga barya dahil may asset silang humirit na bumili ng barya na ibinibenta ng P950,000 sa isang milyon na coins. Ano kaya ang kasagutan dito ni Atty. Diumano? Maganda ang trabaho na ito ng mga bataan ni President Digong at ang panalangin ng mga kosa ko ay sana ‘wag magkaaregluhan dito. Ano sa tingin mo Boss Peryong?  Dipugaaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

LAMBORGHINI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with