^

Punto Mo

EDITORYAL - Pang-aabuso sa checkpoints

Pang-masa
EDITORYAL - Pang-aabuso sa checkpoints

SA Agosto 6 pa ang simula ng istriktong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga kalapit probinsiya pero nagpatupad na ng advanced checkpoints ang Philippine National Police (PNP) sa mga border para makontrol ang exodus ng mga tao. Papayagan lamang makalusot ang mga may kaukulang permit. Ayon sa Deparment of Interior and Local Government (DILG) isang paraan ang maagang pagse-setup ng checkpoint para maiwasan ang pagkalat nang kinatatakutang Delta variant.

Kapag nasa ilalim na ng ECQ ang Metro Manila dito na magkakaroon nang paghihigpit at hindi na papayagang may makalabas at makapasok. Mga health workers lamang at mga nagdedeliber ng pagkain ang papayagan. Magkakaroon muli ng quarantine pass ang mamamayan. Hindi papayagan na makalampas sa checkpoint ang walang quarantine pass at mga kaukulang dokumento.

Noong nakaraang taon, maraming naitalang pang-aabuso ang mga pulis na nagbabantay sa checkpoint. May binaril at napatay ang mga pulis. Isang halimbawa ay nang mapatay ang retiradong sundalo na si Winston Ragos sa isang checkpoint sa Quezon City. May baril daw ang sundalo kaya binaril. Napag-alamang may stress disorder ang sundalo.

Isa pang halimbawa ay ang malupit na pagpaparusa sa mga lumalabag sa curfew. Isang lalaki sa    Gen. Trias, Cavite ang bumili ng tubig dakong alas sais ng gabi, oras ng curfew noong Abril 2, 2020. Hinuli ang lalaki na nakilalang si Darren Penaredondo at pinarusahan sa pamamagitan ng pag-push up. Kinabukasan, hindi siya makahinga at namatay.

May naitala ring pambabastos sa mga babaing motorista kung saan kung anu-anong mga salitang bastos ang sinasabi ng mga pulis sa checkpoint.

May mag-asawa pang sinabihan ng mga nasa checkpoint na maghalikan para mapatunayan kung mag-asawa nga.

Ilan lang ang mga ito sa naitalang pang-aabuso noong nakaraang taon sa checkpoint. Hindi na ito dapat maulit. Kailangan ang pagsubaybay ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar upang wala nang miyembro ng kapulisan na umabuso habang nasa checkpoint. Harinawang wala nang mangyaring pagmamalabis sa pagkakataong ito.

 

PNP CHECKPOINT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with