^

Punto Mo

Mandaluyong, nagbayad ng P54.5-M hazard pay sa empleado!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAKANGITI sa ngayon ang mga empleado ng City government ng Mandaluyong, na nagsilbing mga frontliners sa laban sa COVID-19, bunga sa naiuwi na nila ang hazard pay nila. Sa pagselebra ng birthday ni Mayor Menchie Abalos, nag-release ito ng P54.5 milyon para sa hazard pay ng mga empleado na nagserbisyo noong enhanced community quarantine at modified ECQ mula Marso 27 hanggang Mayo 14, 2021.

Ang city government ng Mandaluyong ang kauna-unahang local government unit (LGU) na nag-release ng budget para sa regular, casual, service contractual at job order employees. Lahat sila ay tumanggap ng P500 allowance na itinakda ng gobyerno ni President Digong. Ang gagawin lang ng mga empleado ay magpakita ng proof of attendance sa kanilang trabaho sang-ayon sa rules ang regulations ng Civil Service Commission (CSC) at presto.....mapasakanila na ang pitsa para sa hazard pay. Dipugaaaaa!

Itong hazard pay sa mga frontliners ay naging kontrobersiyal nitong nagdaang mga araw dahil sa reklamo ng mga health workers na hindi pa nila natatanggap ang pitsa kahit matagal na itong ipinangako ng gobyerno ni Digong. Napasukan pa ito ng pulitika dahil nag-file ng Resolution 1704 si Rep. Manuel Luiz “Manny” Lopez ng 1st District ng Manila, para imbestigahan ang delay sa pag-release ng hazard pay ng mga health workers.

Iginiit ni Lopez na itong reklamo ng mga essential workers ay dapat hindi isantabi ng gobyerno dahil ibinuwis nila ang kanilang buhay para pangalagaan ang safety at welfare ng mga Pinoy na tinamaan ng COVID. Ayon pa kay Lopez, itong mga health frontliners at iba pang essential workers ay dapat bayaran sa kanilang long-overdue benefits, tulad ng special risk, meals, transportation, accomodation allowances at performance-based bonuses. May punto si Lopez, di ba mga kosa? Dipugaaaaaa!

Sa parte naman ng Department of Health (DOH), sersyoso naman nilang sinisilip itong isyu ng delayed benefits ng health workers. Anila, nakarating na sa kanila ang mga reklamo at pinaimbestigahan na ito ni Health Sec. Francisco Duque na nangako na paparusahan ang mga health facilities na hindi pa nakapag-release ng hazard pay sa kanilang mga workers. Hindi naman mahirap iparating ang mga reklamo kay Duque dahil puedeng isulat lang at aaksiyunan nila ito. Sa ilalim ng Bayanihan 1 at Bayanihan 2 ng gobyerno ni President Digong, ang mga health workers ay tatanggap ng P500 allowance kada araw na serbisyo.

Ayon pa sa DOH, hindi dapat pabayaan ang living conditions ng health at essential workers dahil katulong o partner nila ito sa paglaban sa virus. So far, so good naman dahil tahimik na ang mga health workers natin na ibig sabihin wala na silang reklamo, di ba mga kosa? Mismooooo!

Sa Mandaluyong naman, itong hazard pay sa oras ng MECQ at GCQ ay inaprub ni Mayor Abalos sa ilalim ng Executive Order 43 at City Ordinance No. 835 at 836, S-2021. “Most of those who will receive this (hazard pay) are considered frontliners that’s why they deserve it. Their service during this pandemic is considered a huge sacrifice,” ani Abalos. Pinasalamatan din ni Abalos ang city council, lalo na ang budget at treasury departments, na nag-allocate ng karapatang budget para sa hazard pay ng mga empleado. Dipugaaaaa! Abangan!

 

HAZARD PAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with