^

Punto Mo

Jueteng partner ni John Yap sa Cavite, patay sa ambus!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAPILAY pansamantala ang jueteng ni John Yap sa Cavite matapos maambus ang partner niya na si Jun Alvaran, alyas Jun Moriones sa San Pablo City, Laguna noong Huwebes. Hanggang sa ngayon, wala pang linaw ang kaso ni Ka Jun, na management ng jueteng ni John Yap. Bilang management kasi, si Ka Jun ang kausap ng mga pulitiko, police at NBI officials at iba pang opisyal ng gobyerno na may saklaw ng jueteng. Get’s n’yo mga kosa?

Dahil Marso 15 noong isang araw, aba bigayan ito ng intelihensiya at hindi pa malinaw kung sino ang ginamit ni John Yap bilang kapalit ni Ka Jun, di ba Gov. Jonvic Remilla, Calabarzon police director Brig. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad at Cavite provincial director Col. Marlon Santos Sirs? Kung sabagay, malaking papel ang iniatang nitong kaso ni Ka Jun sa kakayahan ni Laguna provincial director Col. Serafin Fetalio, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak!

Kayang-kaya lutasin ang kaso ni Ka Jun ni Fetalio dahil magaling ito sa intel at naging Best Provincial director pa ng Calabarzon police, ‘di ba mga kosa? Mismoooo!

Hindi pa malinaw kung paano inambus si Ka Jun dahil hindi lumabas ang spot report ng Laguna police sa kaso n’ya sa viber ng PRO4-A. May news blackout kaya? Hehehe! Pero ayon sa mga kosa ko, si Ka Jun ay inambus sa isang derma clinic, na malapit sa highway, na pag-aari ng isang magandang dermatologist. Double tap ang ibinigay ng gunman sa ulo ni Ka Jun. Ang siste may tatlong bodyguard si Ka Jun subalit nagdapaan sila pagkarinig ng putok. Walang silbi pala ang ibinayad ni Ka Jun sa mga bodyguard niya, ano mga kosa?

May pulis pa sa tatlo kaya’t dapat paimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Guillermo Eleazar kung may kaukulang dokumento ito mula sa PSPG. Siyempre, dapat iutos din ni Eleazar kay Natividad at Fetalio na lutasin ang kaso ni Ka Jun. Ang gunman ay sumakay sa isang kotse, kasama ang tatlong lalaki, na nagsilbing lookout, anang mga saksi sa insidente. Iniwan na ng gunman ang gamit na motorsiklo.

Ang balita pa, may nakuha daw na milyones na pitsa ang mga suspects kay Ka Jun. Araguuyyyy! Hak hak hak! Gusto lang palabasin na robbery ang motibo sa kaso, no mga kosa? Mismooooo!

Hindi lang management ng jueteng ni John Yap nakasabit ang pangalan ni Ka Jun kundi maging sa iba pang pasugalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. May pa-lotteng din ito sa Camanava area, sa Maynila, Taguig at iba pang siyudad sa Metro Manila. Nagtayo rin ito ng jueteng sa Mindoro at nagbola rin sa 4th District ng Laguna, anang mga kosa ko.

Maari ring hukayin ni Fetalio ang lovelife ni Ka Jun dahil may balita na mahilig ito sa bebot. Araguuyyyy! Hak hak hak! Maraming naapakan si Ka Jun kaya maraming anggulo ang tinututukan ni Fetalio sa pag-imbestiga niya sa kaso, di ba mga kosa? Mismoooo!

Sa kasalukuyan, naghahanap si John Yap ng kapalit ni Ka Jun at hindi pa sumisingaw kung sino ang buwenas na nilalang. Ang tiyak sa ngayon, delay muna ang lingguhang intelihensiya ng mga opisyal ng pulis sa Cavite at maging sa Camp Crame at lalo na sa mga pulitiko sa probinsiya. Mismoooo! Abangan!

JOHN YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with