^

Punto Mo

Psychological facts (Part 6)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Namamana mo ang ugali ng taong laging kasama. ‘Yung majority ng oras sa maghapon ay inilalagi mo sa kanya.

• Ang ating ilong ay nakakunekta sa memory center ng  ating utak. Ito ang dahilan kung bakit minsan, kapag nakaamoy tayo ng isang bagay ito ay nagpapa-trigger upang magbalik ang alaala ng nakaraan.

• Ayaw na ayaw ng matatalinong tao na masangkot sa mga hidwaan kaya kalimitan ay pinipili nilang manahimik kahit na marami siyang napapansing hindi magandang ugali sa ibang tao.

• Gumiginhawa ang ating pakiramdam habang natutulog dahil walang emosyong nadadama ang mga taong natutulog.

• Kumain ng orange bago mag-ehersisyo. Bukod sa tutulungan ka nitong maging hydrated, maiiwasan din ang pagsakit ng muscles.

• Mas maraming calories ang masusunog habang natutulog kung gagawin ang ehersisyo bago matulog.

• Ang taong sadya nang maligaya sa buhay ay hindi iniaasa ang kanilang kaligayahan sa pakikipagrelasyon.

• Lalo kang nagiging attractive sa mata ng ibang tao kung hinahaluan mo ng passion ang bawat ginagawa mo.

• Ayon sa pag-aaral ng researchers, mga two-thirds ng adult population ay hindi alam kung saan sila magaling o kung ano ang “strength” nila.

• Halimbawa, hatinggabi na nang dumating ang iyong anak na babae at nadatnan ka niyang nagpa-panic or hysterical sa sobrang pag-aalala. Malalaman mo kung narcissist ang iyong anak na babae kung siya pa ang may ganang mainis at pagbibintangan ka pa na konokontrol mo siya. Ang karaniwang iisipin ng anak ay nagpa-panic ka dahil nag-aalala ka lang sa kanyang kaligtasan.

PSYCHOLOGICAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with