^

Punto Mo

Maari bang ihabla ang may-ari ng kompanya sa kasong illegal dismissal?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Sinisante po ako ng kompanyang pinapasukan ko. Naniniwala po akong mali ang pagkakatanggal sa akin kaya may plano po akong magsampa ng illegal dismissal.Tanong ko lang po sana kung maari ko ring ihabla ang mismong may-ari ng korporasyon para sa pagkakatanggal ko? —Jun

Dear Jun,

Mabuti’t nabanggit mo na isang korporasyon ang dating kompanya mo. Ang mga korporasyon kasi ay may tinatawag na “distinct and separate personality”. Ibig sabihin, kahit hindi tao ang mga korporasyon ay itinuturing sila ng batas na may sariling personalidad na hiwalay at iba mula sa kanilang mga may-ari. Ito ang dahilan kung bakit may kakayahan ang mga korporasyon na magkaroon ng mga ari-arian sa ilalim ng pangalan nila at kaya maari  rin silang magsampa o masampahan ng kaso.

Ano ang epekto ng pagkakaroon ng hiwalay na personalidad ng mga korporasyon at ng mga may-ari o opisyales nito? Malaki ang implikasyon nito dahil ibig sabihin ay hindi maaring habulin ang mga may-ari o opisyales para sa mga pananagutan ng korporasyon. Gayundin, hindi maaring habulin ang korporasyon para sa pananagutan ng mismong may-ari at mga opisyales nito.

Hindi naman ibig sabihin nito ay laging ligtas ang mga may-ari at opisyales mula sa mga pananagutan ng korporasyon. Maari kasing sila mismo ang habulin sa halip na ang korporasyon kung (1) ginagamit lamang ng mga may-ari ang korporasyon upang makatakas sa mga pananagutan nila; (2) ginagamit ng mga may-ari ang korporasyon upang makapanloko; at (3) lubos ang kontrol ng mga may-ari sa korporasyon kaya masasabing instrumento na lamang ito at wala na itong hiwalay na personalidad mula sa mga may-ari.

Sa mga kasong may kinalaman sa labor katulad ng illegal dismissal, maari rin na ihabla ang may-ari kung sinadya nito ang pagkakatanggal ng empleyado at kung mapatunayan na may masama siyang intensyon o hangarin sa likod ng ginawa niyang pagsisante.

Hindi mo nabanggit kung bakit mo gustong ihabla pati ang mismong may-ari ng dati mong kompanya. Wala ka rin namang nabanggit na dahilan para balewalain ang hiwalay na personalidad ng korporasyong pinagtrabahuhan mo kaya kung ang pagbabasehan lamang ay ang iyong inilahad, ang korporasyon lamang talaga  ang maaring ihabla para sa pagkakatanggal mo.

ILLEGAL DISMISSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with