Putok sa buho
ISANG guest professor ang nagbigay ng mahabang lecture sa isang grupo ng mga estudyante mula sa unibesidad na may reputasyong pawang matatalino at mayayaman lang ang nakakapag-enrol dito.
Pagkatapos ng lecture ay may isang estudyanteng tumayo at nagtanong sa professor:
“Puwede ba Sir na bigyan mo kami ng documentary proof tungkol sa mga ini-lecture mo sa amin?”
Sumagot ang professor na wala siyang maibibigay na documentary proof kaya siya ay sinagot ng estudyanteng mayabang ng:
“ Kung ganoon, Sir, tatawagin muna kitang sinungaling habang wala kang naipakikitang pruweba ng mga pinagsasabi mo sa amin sa iyong lecture kanina?”
Natahimik ang lahat at naghihintay ng magiging reaksiyon ng professor. Maya-maya ay nagsalita ang professor na hindi man lang natinag sa pang-iinsulto ng mayabang na estudyante.
Kinausap nito ang estudyante.
“Puwede bang hingin ko sa iyo ngayon din ang marriage certificate ng iyong magulang?”
Siyempre, walang maibigay ang estudyante.
Kaya nagsalitang muli ang professor.
“Habang wala kang mai-produce na marriage certificate ng iyong magulang hayaan mo munang tawagin kitang bastos at pilosopong putok sa buho!”
* Putok sa buho—anak sa labas, bastardo, o anak sa pagkakasala.
- Latest