^

Punto Mo

Ang babaing nakulong sa freezer

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG babae ay nagtatrabaho sa isang meat processing factory. Ang trabaho niya ay mag-check tuwing hapon bago mag-uwian ng mga bagong dating na karne sa meat cold room, o freezer.

Isang hapon, habang nasa loob siya ay aksidenteng na-locked ang pintuan ng freezer. Paulit-ulit man niyang gamitin ang key card door lock, ayaw itong bumukas. Kung kailan pa siya nakulong ay saka naman niya nakalimutan na dalhin ang cellphone sa bulsa. Kahit pa anong bugbog niya sa pintuan ay tila walang nakakarinig dahil una, makapal ang steel door ng cold room at ikalawa, oras na ng uwian. Wala nang tao sa paligid ng cold room.

Isang oras na ang nakakalipas ay nadarama na niya ang paninigas ng kanyang kalamnan. Bukod sa talagang nasa freezing point ang temperature, lalong sumama ang pakiramdam niya sa tindi ng pag-aalala na baka mamatay siya roon nang walang kalaban-laban. Marahil ay pang-apat na oras na ang nakakalipas nang biglang bumukas ang pintuan ng freezer. Ang guwardiya ang nagbukas. Isinugod niya ang babae sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng first aid. Buti naman at walang nangyaring masama sa babae.

Pagkaraan ng ilang araw, itinanong ng babae kung bakit naisipan ng guwardiya na buksan ang freezer samantalang hindi naman ito kasama sa kanyang trabaho.

“Mam, sa limang taon kong pagtatrabaho rito, nasanay na ako sa iyong pambabati sa lahat ng mga guwardiya. “Good morning” sa umaga at “ Bye, see you tomorrow” kapag uwian.

Natatandaan ko ay nag-good morning kayo sa akin nang umaga. Pero nagtataka ako, wala nang tao at madilim na sa administration office pero hindi pa po kayo lumalabas at nagsasabing “bye see you tomorrow”. Masama po ang kutob ko. Naglakad-lakad po ako sa paligid. Nang dumaan po ako sa cold room, nagtaka ako kung bakit nakasabit po ang inyong company ID sa labas ng pintuan. Alam kong ang bawat papasok sa cold room ay kailangang isabit ang ID upang palatandaan na may tao sa loob. Hayun, dali-dali ko pong kinuha ang susi at tama po ang hinala ko.

Ang nagligtas sa babae sa tiyak na kamatayan ay ang pagiging palabati nito  at pagbibigay ng importansiya sa lahat ng kanyang kasama sa trabaho, mababa man o mataas ang posisyon nito.

 

FREEZER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with