Disabled war veteran, binuhat ang 1,113 pounds weights habang nakaupo
NAKAPAGTALA si Martin Tye, isang disabled war veteran mula sa British Army, ng bagong Guinness World Record para sa pinakamabigat na deadlift habang nakaupo.
Nagawang buhatin ni Tye, na naka-wheelchair at paralisado, ang weights na may bigat na 1,113 pounds, 5 ounces sa Strongest Man event sa North Somerset, England.
Naparalisa ang binti ni Tye matapos banggain ng isang suicide bomber ang kanyang sinasakyan noong siya’y naka-destino sa Afghanistan noong 2009.
Dahil sa pangyayari, kinailangang lagyan ng bakal ang kanyang parehong binti pati na ang kanyang mga balikat. Nagtamo rin siya ng pinsala sa kanyang mga baga at ngayon ay lagi na siyang inaatake ng arthritis. Sumailalim na siya sa 20 operasyon mula ng insidente.
Ayon ay Tye, gusto niyang ipakita sa lahat na kaya pa rin ng isang taong may kapansanan na katulad niya na gawin ang ginagawa ng mga taong walang kapansanan.
- Latest