^

Punto Mo

Ang matandang masungit

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Melina Salazar, isang Mexicana ay pitong taon nang nag­lilingkod sa Luby’s restaurant bilang waitress. Ang restaurant ay matatagpuan sa Brownville Texas.

Araw-araw, kumakain sa restaurant si Walter Buck Sword, isang 89-anyos na World War II veteran. Pero ang matandang beterano ay mahilig magmura sa mga waitress kapag may hindi siya nagustuhan sa serbisyo ng mga ito.

Lahat nang waitress ay umiiwas na pagsilbihan ang matanda. Si Melina lang ang hindi umiiwas sa matanda.

Sa kabila ng nakakairitang ugali ni Sword, matiyaga siyang pinagsisilbihan ni Melina. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ni Sword — ang temperatura ng sabaw o kape ay dapat na nakakapaso ng dila. Kung hindi ito nakakapaso, nagagalit ang matanda at magmumura ito.

Inuunawa ni Melina ang inuugali ng matanda kahit nakakapikon na ito. Isang araw hindi na kumain sa restaurant ang matandang masungit. Minsan, isang kasamahan sa trabaho ang nakabasa ng pangalan ni Sword sa obituary section ng diyaryo.

Lingid kay Melina, siya lang pala ang nag-iisang tao na nagparanas kay Sword ng kabaitan dito. Lahat ito ay nakasaad sa liham ni Sword kay Melina bago ito namatay.

Bilang ganti sa kabutihan ng waitress na nagtiyaga sa masama niyang pag-uugali, pinamanahan niya ito ng $50,000 at  Buick car, isang upscale automobile brand ng American manufacturer General Motors. Natanggap ni Melina ang pamana sa kanya ni Sword bago sumapit ang Pasko noong 2008.

Be kind to old people. God willing, you’ll be one someday.

 

MASUNGIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with