Pawikan, sinasamba na parang diyos sa India
SA Orissa, isang state sa Eastern India, hinuhuli roon ang pawikan hindi para kainin kundi para alagaan at sambahin na parang isang diyos.
Kahit ipinagbabawal ng Indian authorities na bawal hulihin ang pawikan, hindi pa rin mapigilan ang mga tao. Itinatago nila ang nahuhuling pawikan at inilalagay sa isang templo at inaalayan ng mga bulaklak, pagkain at prutas. Kinakantahan din nila ito.
Ayon sa isang wildlife official doon, pinakikiusapan na nila ang villagers na huwag hulihin ang mga pawikan pero wala silang magawa dahil nagmamatigas ang mga ito.
Ayon sa villagers, ang pawikan ay nagtataglay ng sagradong simbolo sa likuran nito. Ito anila ay incarnation ni Lord Jagannath, isang popular Hindu diety, kung saan nagmula ang Vishnu. Ang pangalang Jagannath na ang kahulugan ay Lord of the Universe ay kumbinasyon ng salitang Sanskirt na Jagat (Universe) at Nath (Lord.)
Ang pinakamatanda at pinaka-sikat na Jagannath temple ay nasa siyudad ng Puri, Orissa state.
Lahat ng Hindus sa buong India ay nagtutungo sa templong ito para sumamba. Ang templo na ito ay isa sa apat na pinakasagradong Hindu at dinarayo ng pilgrims.
Kaya naman nagmamatigas ang villagers na hindi nila ibibigay ang pawikan na kanilang sinasamba dahil ito raw si Lord Jagannath.
- Latest