Harry Potter book na natagpuan sa basurahan, naibenta ng 33,000 pounds!
ISANG hardbound edition ng librong Harry Potter and the Philosopher’s Stone na natagpuan sa basurahan ang naipagbenta ng 33,000 British pounds (katumbas ng P2 milyon).
Ayon sa British Broadcasting Channel, isang guro ang nakadiskubre sa libro sa isang basurahan habang nililinis nito ang library sa kanilang eskuwelahan.
Pambihira ang nasabing libro dahil unang edisyon ito ng Harry Potter at 500 kopya lamang nito ang nalimbag.
Ayon sa book expert na si Jim Spencer, hinahanap-hanap ang edisyong ito lalo na ng mga collector na handang magbayad nang malaking halaga.
Kahit ang first edition na paperback na kasamang natagpuan ng hardbound edition ay naipagbenta ng 3,000 pounds (katumbas ng P18,000).
Labindalawang taon na mula nang matagpuan ng guro ang pambihirang edisyon ng Harry Potter sa basurahan ngunit kamakailan lang ito naibenta sa pamamagitan ng Hansons Auctioneers.
Katulad ng inaasahan, naging mahigpit ang labanan sa naganap na bidding para sa libro, ayon sa mga nag-organisa ng subastahan.
- Latest