^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (39)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN, hindi pumasok si Jonas. Wala naman siyang gagawing pro­ject dahil tinapos na niya noong isang araw. Isa pa, parang pagod na pagod siya. Baka dahil sa dalawang gabi nilang pagmamahalan ni Kat sa resort sa Laguna. Masyado kasi siyang nasabik kay Kat at itinodo niya ang power. Ayun, nanlalambot siya ngayon at gustong magtulog maghapon.

Nang bumaba siya dakong alas nuwebe ng umaga ay nasa salas si Ziarah at nag­lilinis.

“Kakain ka na ng break­fast Kuya?’’

“Mamaya-maya.’’

Naupo sa sopa si Jonas at binuksan ang TV sa pa­mamagitan ng remote.

“Ipagtimpla kita ng kape, Kuya?’’

“Sige. ‘Yung mainit na mainit ha?’’

“Oo Kuya.’’

Nanood ng TV si Jonas. Tinatamad siyang kumilos. Masarap humilata maghapon.

Maya-maya lumapit si Ziarah dala ang umuusok na kape.

Ibinaba sa center table sa harap ni Jonas at saka nagpatuloy sa pagwawalis.

Humigop ng kape si Jonas.

‘‘Ang sarap! Mainit na mainit!’’

Napatingin si Ziarah.

‘‘Bagong kulo ‘yan Kuya!’’

‘‘Sarap higupin.’’

Nagpatuloy sa pagwawalis sa sahig si Ziarah.

Nagtanong si Jonas.

‘‘Ano na kaya ang balita sa manyakis mong ama-amahan, Ziarah?’’

Tumigil sa pagwawalis si Ziarah.

‘‘Baka patay na ‘yun Kuya!’’

“Bakit?’’

“Marami rin kasing kaaway ‘yun. Mainitin ang ulo at basta-basta naninigaw. Baka nataga na ‘yun o nasaksak!’’

“E ‘di nakaganti ka na kung ganun.’’

Hindi nagsalita si Ziarah.

“Dapat nga siguro ma­matay ang katulad niyang manyakis. Kinawawa ka pala ng taong ‘yun.’’

(Itutuloy)

APARADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with