Ang babae sa aparador (5)
“NGAYON ka lang nagtangkang tumakas sa walanghiya mong ama-amahan?’’ tanong ni Jonas sa babae habang tinitingnan ito sa rearview mirror ng sasakyan. Marahan na ang pagpapatakbo ni Jonas para marinig na mabuti ang pagkukuwento ng babae. Na-ging interesado na siya nang malamang ulilang lubos din pala ito na gaya niya. Bigla siyang nakadama ng awa.
“Maraming beses na po at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon. At mabuti rin po at tinulungan mo ako kung hindi naabutan ako ng manyakis kong ama-amahan.’’
Napailing-iling si Jonas. Kung hindi niya natulungan ang babae, tiyak na nagtagumpay ang walanghiyang ama-amahan nito sa hangarin. Kawawa naman ang babaing ito na inapi-api pala.
“Paano ang ginagawa mo kapag pinagtatangkaan ka ng walanghiya?’’
“Mayroon po akong itinagong kutsilyo. Narito nga po supot kong dala. Ito lang po ang pananggalang ko. Sabi ko kapag pinagtatangkaan niya e magsasaksak ako. Hindi po siya makalapit.’’
“Paano kapag natutulog ka?’’
“Lagi ko pong hawak ang patalim. At lagi pong mababaw ang tulog ko. Kapag may ginagawa ako sa bahay, nasa tabi ko ang patalim kaya hindi siya makalapit.’’
“Wala ka bang ibang mahingian ng tulong?’’
“Wala po. At kung humingi man ako ng tulong wala ring mangangahas na dumamay dahil takot sa aking amaama-han. Nagsasawalang-kibo na lang ang mga tagasa-amin.’’
“Wala palang pakialam sa kapwa ang mga kapitbahay mo.’’
“Oo nga po.’’
“Gaano na katagal kang nasa ganyag kalagayan?’’
“Mula po nang mamatay ang ina-inahan ko ilang buwan na ang nakararaan.’’
Napailing muli si Jonas.
Hanggang makaramdam ng gutom si Jonas. Mag-aalas dose na pala ng tanghali.
Nakita niya sa ‘di-kalayuan ang isang fast food. Kaila-ngang makakain muna sila.
Itinigil niya sa tapat ng fastfood. Niyaya ang babae.
“Halika, mag-lunch muna tayo.’’
“Busog pa po ako…”
(Itutuloy)
- Latest