^

Punto Mo

EDITORYAL - Home quarantine pass pinababayaran

Pang-masa
EDITORYAL - Home quarantine pass pinababayaran

NARARAPAT imbestigahan ng DILG ang sumbong na may barangay umano na pinababayaran ang iniisyung home quarantine pass. Ang quarantine pass ay iniisyu sa 1 miyembro ng pamilya para makapunta sa palengke at bumili ng pagkain. Isa lang ang pinapayagan para hindi magkumpul-kumpol sa palengke, groceries at botika. Sabi ng DILG, walang bayad ang quarantine pass at dapat itong ihatid sa bahay. Kapag hindi ito ginawa ng barangay, mananagot ang kapitan.

Mayroon ding report na may mga barangay na namumudmod ng relief goods pero kailangan itong kunin sa barangay hall. Mayroon ding sumbong na mga kamag-anak daw ng kapitan ang inuunang bigyan ng relief goods. Mahigpit na sinabi ng DILG na dapat ang mga tulong na pagkain ay dapat dalhin sa bahay-bahay. Ito ay upang hindi magtipun-tipon ang mga tao sa barangay hall. Mananagot ang kapitan na inuuna ang kamag-anak. Kakasuhan umano ang mga ito ayon sa DILG.

Nang ideklara ni President Duterte ang enhanced community quarantine sa Luzon, nagbabala siya sa mga barangay chairmen na kakasuhan ang mga ito kapag nagpabaya sa puwesto. Ang barangay ay dapat kumilos upang masiguro na hindi na ka­kalat ang COVID-19. Inatasan ng Presidente si DILG Sec. Eduardo Ano na ipatupad ang kautusan agad-agad.

Pero sa kabila nang mahigpit na utos, marami pa ring barangay ang pasaway at hinahayaan pa rin ang mga tao sa nasasakupang lugar na magkumpul-kumpol at may matitigas ang ulo na nag-iinuman sa kalye. Balewala ang kautusan ukol sa social distancing o pag-aagwat para hindi mahawa ng virus.

Malaking hamon sa DILG ang nangyayaring ito. Nararapat imbestigahan ang mga pinuno ng barangay na hindi sumusunod sa direktiba at lalo na ang mga pinagkakaperahan ang quarantine pass. Hindi dapat manaig ang ganitong ginagawa ng barangay habang dumaranas ang bansa sa salot na COVID-19.

HOME QUARANTINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with