^

Punto Mo

Kabutihan ng paglalakad

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA mga unang araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon, marami ang napilitang maglakad na lamang patungo sa kanilang mga destinasyon dahil suspendido ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan na bunsod ng kampanya para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Pero meron din namang mga bentahe ang paglalakad na mas mainam na gawin kung hindi naman masyadong malayo ang pupuntahan at kung hindi kailangang magmadali. At, batay nga sa sinasabi ng mga health expert, scientist at sa mga pa-nanaliksik, mas mabuti ang paglalakad bilang ehersisyo dahil sa makukuhang mga benepisyo rito.

Kabilang dito ang sinasabing nakakatulong ang paglalakad sa pagsunog ng calories sa katawan na makakapagmantini o makakabawas ng timbang. Depende naman ang aktuwal na pagsusunog ng calories sa mga salik tulad ng bilis ng paglalakad, inabot na distansiya at kalupaan (mas maraming calories ang nasusunog kapag pataas ang nilalakad kaysa sa kapatagan).

Ang paglalakad ng 30 minuto bawat araw, limang araw sa loob ng isang linggo ay nakababawas ng peligro sa sakit sa puso at lalo pang nababawasan ang panganib na ito  kapag dinagdagan ang tagal o distansiya ng nilalakad kada-araw.

Nakakatulong din ang maikling paglalakad pagkakain sa pagpapababa ng blood sugar. Lumabas sa isang pag-aaral na ang 15 minutong paglalakad nang tatlong beses sa loob ng isang araw (pagkatapos man ng almusal, tanghalian at hapunan) ay mas nakakapagpaganda sa blood sugar level  kaysa sa 45 minutong paglalakad. Nakakapagpalakas din ito sa mga kalamnan na sumusuporta sa mga kasu-kasuan.

Sa paglalakad, nadadagdagan ang daloy ng oxygen sa katawan.   Nakakapagpabawas din ito ng anxiety, depression, at a negative mood. Maaari rin itong makapagpalakas ng self-esteem at nababawasan ang sintomas ng social withdrawal.

Nakakapagpahaba rin ng buhay ang mabilis na paglalakad. Nababawasan nang 24 porsiyento ang panganib sa kamatayan ng paglalakad nang mabilis.

Bukod dito, ang paglalakad ay nakakapagpalinaw ng kaisipan at nakakatulong para maging malikhain ang isang tao. Ayon sa isang pananaliksik, ang paglalakad ay maaaring makapagpabukas ng bagong mga idea at isang simpleng paraan ng dagdag sa pagkamalikhain at kasabay nito ang pagkakaroon ng pisikal na aktibidad.

-oooooo-

Email: [email protected]

PAGLALAKAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with