^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-commute din ang government officials

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-commute din ang government officials

TINALO pa ni Atsuhiro Okamoto, president ng Toyota Motor Philippines ang mga Cabinet secretary at iba pang government officials sapagkat nasubukan na niyang mag-commute o sumakay sa mga pampublikong sasakyan at nilibot ang Metro Manila.

Sumakay si Okamoto sa jeepney at naranasan kung gaano kahirap sumakay sa jeepney lalo na kung rush hour. Sumakay din siya sa traysikel at naranasan kung paano tumalbog-talbog ang sasakyang may tatlong gulong. Sinubukan niyang sumakay sa MRT at nakita niya ang haba ng mga pasahero na nagsisiksikan at nag-aagawan para makasakay at makaabot sa kanilang pupuntahan. Nakatayo si Okamoto at pinagmamasdan ang mga pasahero na napakaraming pinagdadaanang hirap bago makarating sa kanilang trabaho o kaya’y eskuwelahan.

Makaraang masakyan ang jeepney, traysikel at MRT, alam at nadarama na ni Okamoto ang hirap ng Pinoy commuters sa araw-araw na kanilang paglabas sa kalsada. Isang sakripisyo ang pagko-commute araw-araw at napatunayan ito ng Toyota president. Alam na niya.

Mabuti pa si Okamoto at naranasan na ang pagko-commute gayung marami sa Cabinet ni President Duterte ang hindi pa ito nararanasan. Kaya paano malalaman ng mga ito ang hirap na dinaranas ng commuters kung hindi sila sasakay sa mga pampublikong sasakyan. Kailangang maranasan nila ang hirap para makagawa ng paraan kung paano mapapadali ang kanilang pagbibiyahe araw-araw.

Sa MRT na halos araw-araw ay kilometro ang haba ng pila para makasakay ang mga pasahero ay sapat na para malaman ng mga taong gobyerno na dapat itong masolus­yunan. Sa kasalukuyan, marami ang nagtitiis pumila para makasakay. At ang masakit na kapag nakasakay na, saka naman titirik kapag nasa kalagitnaan ng istasyon. Walang magagawa ang mga kawawang commuters kundi bumaba at maglakad.

Sa lahat ng Cabinet secretary ni Duterte si Presidentil Spokesman Salvador Panelo pa lamang ang nakakapag-commute sa jeepney. Ginawa niya ito noong noong nakaraang taon para patunayang walang krisis sa transportasyon.

Sana subukan din ng iba pa na mag-commute. Bakit hindi subukan ng taga-DOTr na mag-commute para maranasan ang hirap. Mas nauna pa sa kanila si Okamoto.

 

GOVERNMENT OFFICIALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with