^

Punto Mo

Tama na, sobra na ang tulisan este tuligsaan pala!

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

FINISHED or not finished pass your papers... ito na ang pinakamalaki, magarbo at pinakamagandang South East Asian Games sa history ng palaro.

Marami ang nasiyahan dahil hindi biro ang nasungkit na mga medalya ng ating mga Pinoy players pero ang problema ay up to now ay dehins pa rin tumitigil ang mga kritiko dito.

Bakit kaya ?

Mukhang ayaw ilagay sa tuktok ng mga kritiko na ang Phi-lippines my Philippines ang tinanggal este mali tinanghal palang over-all champion kasi nga nasungkit nila ang 149 gintong medalya sa iba’t-ibang larangan ng palaro kaya pati malakanin este Malacañang pala ay pinuri ang SEA Games.

Kaya tuloy sa buwisit este mali inis pala ni Cynthia Carreon Norton, ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines ay nanawagan sa madlang Pinoy na maging kontento sa resulta ng SEA Games. Lahat ng ating mga kababayan na maging masaya sa resulta ng SEA Games. 

Ika nga, ihagis ang inggit ng mga critics sa halip ang tagumpay ng madlang atletang Pinoy at coaches ang ipagbunyi.

Ano sa palagay ninyo ?

Korek ka dyan !

Sabi nga, ibaon sa lumot ang kritiko.

Bida ni Cynthia, normal lang ang mga ‘glitches’ sa anumang international event kaya hindi ito dapat palakihin at pasabugin gaya ng ginawa at patuloy na ginagawa ng ilan sa mga kontrabida.

Si Cynthia ay kasapi ng SPIA na nagparangal ng Special Excellence Award sa PHISGOC at sa pinuno nitong si Speaker Alan Cayetano sa maayos na pagho-host ng SEA Games. 

Ayon kay Norton, very credible ang SPIA at naging isa siya sa mga judges nito sa magkakasunod na apat na taon maliban lang ngayong taon dahil naging abala siya sa pagsasanay sa gold medalist at gymnast na si Carlos Yulo. 

Binigyang diin ni Norton na sobrang natuwa at ganado nang magpakitang gilas ang mga atletang Pinoy dahil sa sobra-sobra suportang ibinigay ng pamahalaang Duterte pati ni PHISGOC President Alan Cayetano, POC President Bambol Tolentino, PSC Chairman Butch Ramirez at iba pang sports officials ng Philippines my Philippines.

Tama na ang pagtuligsa ang mahalaga ay manalo tayo sa 2030 Asian Games bidding.

Ano sa palagay ninyo ?

Laban lang Philippines my Philippines !

Abangan.

SOUTH EAST ASIAN GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with