^

Punto Mo

Odd health facts

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last part)

• Kulubot sa earlobes. Napag-alaman sa ginawang pagsasaliksik ng The American Journal of Medicine na ang kulubot sa earlobes ay indikasyon na maaaring atakihin sa puso ang isang tao o anumang problema na may kinalaman sa puso. Ang hinala ng mga experts, may kaugnayan ang pagkulubot ng earlobes sa pagtigas ng heart arteries.

• Size ng bilbil. Ang taong nasa 40’s at may malalaking bilbil ay triple ang tsansang maging ulyanin pagsapit nila sa edad na 70 pataas kahit pa hindi sila overweight. Ito ang resulta ng pag-aaral na ginawa noong 2008 at nalathala sa journal of Neurology. Ang taba sa tiyan ay naglalabas ng maraming inflammatory hormones na nagpapahina ng pag-iisip.

• Size ng suso. Ang mga babaeng nasa edad 20 at may size D bra o mas malaki pa ay malaki ang tsansang magkaroon ng type 2 diabetes. Ito ang bunga ng 10 taong pag-aaral ng mga eksperto at nalathala naman ang mga resulta sa Canadian Medical Association Journal. Ang fat tissue sa suso ng babae ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng diabetes.

• Size ng masel sa binti. Mas maliit ang masel sa binti ng babae (tinatawag na pandesal sa binti) 13 inches or less, mas malaki ang tsansang magkaroon ng carotid plaques na sanhi ng stroke. Nagmula ang research na ito sa pag-aaral na ginawa ng French journal tungkol sa Stroke noong 2009.

• Blood type. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Dana-Farber Cancer Institute sa Boston at Harvard Medical School, mas madaling kapitan ng pancreatic cancer ang may blood type A, B, AB kaysa may blood type O.

EARLOBES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with