^

Punto Mo

Public service lang, walang personalan!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALA sa bokabularyo ng BITAG ang mga salitang “sandali” at “hintay”. Kadalasan kasi, ang paghihintay ay nauuwi rin naman sa wala. Sa istilo namin, wala nang patumpik-tumpik pa! Agarang aksyon para sa mabilis na resolusyon.

Nitong nakaraang Biyernes, isang ginang ang mag-isang dumating sa aking tanggapan. Kabuwanan niya na subalit matiyaga itong nakipila sa aming action center. Inirereklamo ang kompanyang kanyang pinagtatrabahuan, ang Inspi Philippines. Napilitan daw siyang mag-resign bilang saleslady dahil bawal daw ang buntis sa kanilang kompanya.

Hindi rin daw pumapayag ang kompanya na mag-maternity leave ang isang empleyado, dapat diretso resign. Pinayuhan pa siyang bumalik na lang pagkatapos manganak. Tinanggap na lang ng pobre ang pasya ng kanilang HR Manager at nag-resign. Pinaghihintay pa ang ginang ng isang buwan bago nito makuha ang huling suweldo.

Tatlong buwan nang naghihintay ang ginang, mangangak na siya anumang araw ngayong buwan ay wala pa rin ang kanyang pera. Kaya nagpasaklolo na siya sa BITAG.

Inspi Philippines, saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha at tibay ng sikmura na pahirapan ang dati n’yong empleyado? Kailangan pa bang magmakaawa at manikluhod sa inyo para ibigay ang P4,000 na pinaghirapan na ng pobre?

Hindi kayo nakipag-usap sa akin para sagutin ang reklamo kaya naman nakatikim kayo sa BITAG sa ere ng mga salitang hindi n’yo makakalimutan. Gusto kong isiksik n’yo sa mga nakatuwad na kukote na mali ang pagpapahirap na ginawa sa nagrereklamo.

Mabuti’t marunong kayong matauhan, dahil kinabukasan, Sabado, nag-text kayo sa ginang. Agaran n’yong dineposito ang P4,000 sa ATM account ng ginang na ilang buwan n’yong inipit.

Kaya sa mga chuwariwariwap diyan na kumukuwestiyon at nagsasabing bakit kaming Tulfo Brothers daw ang mukha ng hustisya sa Pilipinas, laki ng inggit n’yo ano? Hindi ako nagyayabang, pero isa lamang ang istorya sa kolum kong ito kung bakit. Hindi kami pasahurin ng gobyerno, hindi rin kami pulitikong hinalal ng taumbayan subalit bukal sa aming kalooban at walang drama ang ginagawang “agarang” pagtulong sa kapwa.

Hindi na namin kasalanan kung kami ang naging takbuhan ng publiko dahil mas mabilis kaming kumilos kesa sa inyo! Public service lang, walang personalan!

PUBLIC SERVICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with