^

Punto Mo

Walang pulis na ‘organizer’ ng vendor sa Divisoria!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

WALANG pulis na sangkot bilang “organizer” ng vendors sa Divisoria, ito ang tahasang pahayag kahapon ni Brig. Gen. Bernabe Balba, ang bagong hepe ng Manila Police District (MPD). Ayon kay Balba, mahigpit n’yang itinagubilin sa kanyang mga tauhan na huwag makialam sa mga vendor sa kahabaan ng Divisioria bilang pagtugon sa paglilinis ni idol Mayor Francisco Domagoso sa Maynila. Nagbanta si Balba na may kalalagyan ang pulis na hindi tatalima sa kautusan niya.

Mahigpit ding ipinatutupad ang “no take policy” ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas sa illegal gambling kaya gutom ang inabot ng mga command staff niya. Araguuyyy! Get’s mo Tata Delo Sir? Subalit may isang buwenas na nilalang na si Sgt. Raffy Padua na patuloy na umiikot sa mga gambling lords gamit ang SMART sa City Hall kaya dapat habulin ito ni Balba, di ba mga kosa? Kasi nga hindi titino ang kapulisan ng MPD, lalo na ‘yung tinatawag na mga tong collector, kapag may isang nilalang na patuloy na sinusuway sina Sinas at Balba, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak! Weder weder lang ‘yan!

Kaya hindi masawata ni Domagoso ang mga vendor hindi lang dahil sa kawalan ng disiplina sa kanila kundi dahil sa protection ni Sgt. Padua, di ba mga kosa? Hindi naman magmamatigas ang mga vendor na maglatag ng paninda nila kung walang nagbigay ng “go signal” sa kanila, di ba SMART chief Maj. Rosalino Ibay Jr. Sir? Kaya gulpe de gulat ang mga vendors sa Ilaya Binondo at Recto sa Divisoria nang dalawin sila ni Domagoso, kasama ang media noong Lunes.

Nagkalat kasi ang mga basura na hindi nagustuhan ni Domagoso dahil labag ito sa alituntunin niyang mapalinis ang Maynila. Get’s n’yo mga kosa? Kaya dahil sa kababuyan nila, hayun minabuti na lang si Domagoso na huwag na maglatag ng kanilang paninda ang vendors sa naturang lugar. Beehhhh buti nga! Imbes na may pagkain sila sa hapag kainan nila sa Pasko, gutom ang aabutin ng mga baboy na vendors. Araguuyyy! Hak hak hak! Magdasal na lang itong mga vendor na makumbinsi pa nina alyas Jonathan at Sgt. Gerry Tubera na mabago pa ang isipan ni Domagoso para magkaroon sila ng grasya sa Pasko. Tumpak!

Dapat din sigurong paimbestigahan ni Domagoso kay Major Ibay kung bakit ganito katapang magkalat ng basura ang mga vendors dahil tiyak nagbabayad sila ng weekly tong. Kasi ang bukambibig sa ngayon ng mga vendors, ayon kay Ate Connie, may kausap sila at ang pangako ay “Bahala kami kay mayor!” Araguuyyy! Kaya lumaki ang ulo nitong mga vendors at harap-harapan nilang sinusuway ang kautusan ni Domagoso na linisin ang kapaligiran nila pagkatapos magtinda. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Binigyan na nga ng pagkataon itong mga vendors eh sinayang pa nila. Ang action ni Domagoso noong Lunes ay nangangahulugan na wala pa siyang tinatanggap na P5 milyon sa mga vendors? Ano sa tingin mo kosang Leny Mauricio? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

BERNABE BALBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with