^

Punto Mo

Happy birthday, Sir Oca!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HAPPY birthday PNP chief Gen. Oscar Albayalde, Sir! Sa araw na ‘to, Nov. 8, ay 56-years-old na si Sir Oca kaya matic na magretiro na siya sa puwesto. Maaring hindi maganda ang nakaraang ilang buwan sa buhay ni Albayalde dahil isinalang siya sa Senado sa pagkasangkot ng mga bataan niya sa drug recycling noong 2013. Subalit medyo napawi ang kalungkutan niya nang sabihin ni DILG Sec. Eduardo Año na walang admi-nistrative case na isasalang laban sa kanya. Araguuyyyy! Maa-ring kasamang nasampahan ng kaso si Albayalde sa Department of Justice (DOJ) subalit malakas ang paniniwala ng mga kosa kong abogado na hindi uubra ang mga nagtalsikang laway ni Baguio City Benjie Magalong sa korte. Get’s n’yo mga kosa? Kaya tama lang ang isinampang motion to dismiss ni Albayalde sa DOJ para tuluyan nang malinis ang pangalan niya sa mga bintang laban sa kanya sa Senado. Kaya lang swak naman sa criminal at administrative cases ang mga bataan niyang 13 “ninja cops”. Araguuyyy! Kung sabagay, nangyari talaga noon pa itong sistema ng “ninja cops” at ang masama, si Albayalde ang tinamaan dahil sa ugong na mae-extend ang termino niya o mabibigyan ng magandang puwesto sa gobyerno ni Digong. Hak hak hak! Nasa ukit ng palad ‘yan, ‘di ba mga kosa?

At dahil pormal nang magreretiro si Albayalde, matic ding papalitan na siya at makapigil hini­ngang inaantabayanan ng madlang people kung sino ang napili ni Digong. Siyempre, kinaugalian na sa PNP na magpakalat ng fake news para mapansin sila ng Palasyo at kasama na ang pagtulak ng kani-kanilang padrino ay baka madagit nila ang pinakamatamis na premyo. Ang mga ugong na kumakalat sa Camp Crame ay bibigyan ng 3-month extension si OIC Lt. Gen. Archie Gamboa dahil maganda naman ang pamamalakad niya sa PNP nitong nagdaang mga araw. May nagsabi namang si Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang napili dahil sa magandang record niya noong NCRPO chief pa siya saka sa pag-push sa kanya ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo. Ayon naman kay kosang Caby Cabacang, 60 percent ang tsansa ng manok niya na si Lt. Gen. Pikoy Cascolan, na sinang-ayunan naman ng basketbolistang idol ko na si Oca Feliciano. Nababanggit din ang pangalan nina Brig. Gen. Gilberto Cruz, Brig. Gen. Ringo Licup, Maj. Gen. Cesar Binag at maging si NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas. Hak hak hak! Sa sobrang daming may gustong maging PNP chief, sino naman ang bet n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung sino kina Gamboa, Cascolan at Eleazar ang mapili ni Digong, tiyak magkaroon na naman ng panibagong galawan dahil may aakyat tiyak sa mabakanteng puwesto na Chief of Directorial Staff. Ang so-called Davao Boys kaya o ang outsider? Get’s n’yo mga kosa! Sa sobrang tagal na pag-iisip ni Digong, tiyak hindi na siya magkakamali sa pagpili ng bagong PNP chief, di ba mga kosa? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

OCA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with