^

Punto Mo

Ayaw mong tumulong? Sige, larga!

BITAG KILOS PRONTO - Ben Tulfo - Pang-masa

KAILANMAN, hindi naging intensiyon ng BITAG na mamahiya o magmaliit ng kapwa. Huwag lang kami lolokohin at paiikutin dahil seryoso naming tinatrato ang bawat sumbong.

Bago mag-Undas, isang opisyal ng Batangas I Electric Cooperative (BATELEC) ang na-interview ko sa ere. Medyo matensiyon ang aming naging pag-uusap, sinisi pa kasi nito ang biktimang binawian na ng buhay. Imbes pag-usapan kung paano matutulungan ang pamilya ng yumao, nanisi pa ito.

Ang nagrereklamo, ang biyuda ng biktimang nakuryente’t namatay sa nakatiwangwang na live wire ng BATELEC 1 noong nakaraang Setyembre. Ipinaabot ng ginang sa kompanya ang sinapit ng kanyang mister subalit binalewala lang ng BATELEC 1. Pinagpipilitan pa raw ng kompanya na wala silang kasalanan sa nangyaring disgrasya. Inalok daw ang ginang ng P4,000, pampalubag loob daw sa nangyari dahil wala naman daw silang pagkukulang sa pagkamatay ng mister nito.

Nakausap ko sa ere ang branch manager ng BATELEC 1. Pambungad nito sa BITAG, wala silang pananagutan dahil isang tampered wire raw ang kableng kumuryente sa biktima. Isinumbat pa ng kolokoy na kahit nga raw di nila pagkakamali ay nagpaabot pa rin sila ng tulong sa pamamagitan ng ambagan mula sa sarili nilang bulsa.

Ang tanong, paano naman ang responsibilidad ng BATELCO bilang principal source ng kuryente sa lugar? Ibig bang sabihin, kapag may nakahambalang na kable, kesehodang live wire o hindi, dahil tampered lang ay wala nang pakialam ang kompanya?

Wala kayong karapatang magnegosyo kung hindi n’yo alam ang salitang “responsibilidad.” Tungkulin at kasama sa inyong pananagutan na panatilihing ligtas ang anumang pasilidad n’yo sa isang komunidad.

Talagang ipinagpipilitan niya ang baluktot na katwiran na “wala silang pananagutan.” Hindi ko alam kung hindi niya talaga naiintindihan ang aking punto o sadyang ayaw niya itong intindihin. Kaysa humaba ang usapan, pinalarga ko na siya sa ere. Ayaw tumanggap ng pagkakamali, ayaw alamin ang mali at ayaw kilalanin ang responsibilidad – larga! 

Handa naman daw tumulong si Batangas Governor Hermilando Mandanas sa ginang at inimbitahan ito sa kanyang opisina upang mapaimbestigahan ang nangyari sa mister nito.

Gusto kong unawain ang branch manager na aking nakausap dahil siya’y isang empleyado rin na kung minsan ay nalalagay sa sitwasyon ng pagiging estupido’t mangmang.

Pero estado lang ito mga boss, hindi kailangang yakapin at tambayan at ipagpilitan ang isang nakatiwarik na pangangatwiran! Ang punto ko, matutong tumanggap ng kahinaan at kamalian, huwag nang makipagmatigasan bagkus tumulong, makipag-kaisang masolusyunan ang problema. Ora Mismo!

BATANGAS I ELECTRIC COOPERATIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with