^

Punto Mo

Sa ulap tayo magtatagpo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 2)

Bagong transfer lang ako sa private high school sa probinsiyang nilipatan namin. Dati akong nag-aaral sa exclusive school for boys sa Maynila mula kinder hanggang elementary. Pagsapit ng high school, lumipat kaming mag-anak sa probinsiya ng aking ina dahil siya lang ang puwedeng mamahala sa farm na iniwan ng aking namayapang Lolo at Lola. Nasa London ang kanyang kaisa-isang kapatid at wala nang interes sa bukid nila. Successful doctor kasi ito doon at nakapag-asawa ng mayamang British businessman. Sinabi nito na angkinin nang lahat ni Mama ang kanilang farm dahil wala na siyang balak bumalik ng Pilipinas.

Sa mamahaling school ako ini-enrol pero pambabae ito at panlalaking school. Nasa city ang aking school na 30 minuto ang inaabot na biyahe mula sa aming lugar na isa lamang maliit na munisipalidad. Hatid ako at sundo ng school bus. Sa unang araw pa lang ay akin nang napansin ang isang magandang babae na aking ka-service. Lagi siyang nakaupo sa hulihan ng bus. Malungkot ang mukha na tila ba laging gustong umiyak. Magkaganoon pa man ay gustung-gusto ko siyang pagmasdan dahil sa mapupungay niyang mata, matangos na ilong at magandang kutis. 

Nakasakay na siya sa bus pagsundo sa akin at nauuna naman akong bumaba sa kanya. Sa tantiya ko ay mas malayo ang bahay niya kaysa akin. Gusto ko sanang umupo sa tabi niya dahil kami lang lagi ang nauuna sa bus at natitira kapag uwian na. Pero hiyang-hiya ako. Mula kinder hanggang elementary ay pulos barako ang aking mga kaklase kaya wala akong experience na magkaroon ng classmate na babae. Paano ba sila ia-approach? Paano ba ang tono ng aking boses? Paano at walang katapusang paano.

Isang araw ay wala ang magandang babae nang sunduin ako ng bus. Tinanong ko ang driver.

“Kuya, bakit absent yata ang babaeng nakaupo sa hulihan ng bus?”

“Sinong babae?”

“Yun laging nakaupo sa seat number 22”

“Walang umuupo doon”

Napakamot ako sa ulo. Tinitigan ko ang driver. Bago. Hindi siya ‘yung dating sumusundo kaya wala siyang alam sa mga pasahero niya. Substitute driver daw siya tuwing aabsent si Kuya Bob.

                Nang sumunod na araw, na-excite na naman ako dahil naroon na sa bus ang aking crush. Aking naipangako sa sarili na kakausapin ko na siya. Ngayon ko lang naramdaman ang excitement na makipagkilala sa isang babae. Sasapukin ko ang aking sarili kung hindi ko pa siya babatiin pagsampa ko sa bus.

Dumiretso ako sa hulihan. Malayo pa ay nakangiti na ako sa babae. Tumabi ako sa kanya.

“Hello, good morning.”

Gulat na gulat ang babae.

 “Nakikita mo ako?”

“Oo, bakit?”

Napangiti ang babae. Tinakpan niya ng bahagya ang kanyang bibig habang napatawa. Mukha namang mabait kaya sinundan ko agad ng joke.

“Why? Multo ka ba na hindi dapat makita?”

Napalakas ang aking boses. Tiningnan ako ng driver sa salamin. Napasimangot ito.

(Itutuloy)

ULAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with