^

Punto Mo

Bangon uli, huwag sumuko!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISANG sugal ang pakikipagsapalaran sa Maynila para maghanap ng trabaho. May sinusuwerte at minamalas depende sa pagsisikap ng isang indibidwal.

Humingi ng saklolo sa aming tanggapan si Arnel Borre at kanyang tatlong taong gulang na anak. Gusto niyang makauwi sa Davao del Norte.

Kuwento niya, pinaluwas siya ng kanyang asawa para magtrabahong kargador sa Cubao, Quezon City. Pero 10 araw lang ang lumipas, nilayasan na siya ng kanyang asawa at sumama na umano sa ibang lalaki. Ikalawang beses na raw itong nangyari. 

Hirap ang sinapit niya sa Maynila – walang makain at matulugan, namatayan pa ng anak. Gusto nang umuwi ng pobre sa probinsiya kasama ang natitirang anak.

Ilan lang ito sa  mga istorya ng pakikipagsapalaran sa Metro Manila. Walang makapagsasabi kung ano ang magiging kahihinatnan ng pagsugal para sa kinabukasan. 

Minalas man ang pobre, buti at may mga taong kahanay din sa adbokasiyang serbisyo publiko ng Bitag Pambansang Sumbungan at bukal ang kalooban na tumulong sa mga tulad ni Arnel.

Ora mismo, tumugon si Mayor Maria Theresa Tumbol ng Kapalong, Davao Del Norte sa kahilingan ng kanyang kababayan.

Pangako niya ay tulong pinansiyal para agad na makauwi si Arnel at anak nito sa kanilang probinsya. Isang pangkabuhayan din ang naghihintay sa kanya sa probinsiya mula sa tanggapan ng mayor.

Kilala ang Bitag sa pagiging brusko. Pero pagdating sa mga pobreng tulad nito, lumalambot ang pusong bato na bumabangga sa mga manloloko’t dorobo.

Isang prebilehiyo na maging kabahagi ang BITAG ng kanilang pagbangon, pagsisimula at pagharap muli sa buhay.

Hangad naming makabangon si Arnel sa unos na kanyang kinakaharap. Hindi na sana maulit ang ganitong pangyayari sa iba pang mga promdi na ang nais lang naman ay guminhawa ang buhay.

Laban lang, walang sukuan. May naghihintay na tagumpay sa mga patuloy na lumalaban sa buhay.

Gaya ng BITAG, pilit na sinisiraan at ginigiba. Pero nakaangkla ang kalakasan ng aming grupo sa Maykapal at sa ibinigay niya sa aming responsibilidad: “Defend the weak and the fatherless; uphold the cause of the poor and the oppressed. Rescue the weak and the needy; deliver them from the hand of the wicked.” – Psalm 82:3-4

ARNEL BORRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with