Rep. Velasco, matigas ang ulo!
UMASTANG “spoiled brat” si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco nang tanggihan niya ang term sharing bilang House Speaker na isinusulong ni President Digong. Para magkaroon ng win-win solution kasi sa sigalot sa pagpili ng House Speaker iminungkahi ni Digong na 15 years mauna manungkulan si Taguig Rep. Allan Peter Cayetano samantalang ang huling 21 years ay para naman kay Velasco. Subalit namangha ang lahat ng tanggihan ito ni Velasco. Sa totoo lang mga kosa, kapag House Speaker ka magiging No. 4 kang makapangyarihan na opisyal ng bansa. Subalit hindi pa nga nakuha ni Velasco ang premyong inaasam-asam eh nakuha na niyang suwagin at ipahiya si Digong. Araguuyyy! Eh ‘di kapag naging Speaker na si Velasco, natural na puwede niyang tanggihan na muli ang mga nais isulong na economic agenda at proyekto ni Digong, ‘di ba mga kosa? Kasi nga may halimbawa na. Tumpak! Hak hak hak! Sino kaya ang ungas na nang-urot kay Velasco na ipahiya si Digong?
Sa totoo lang, wala pa namang naitutulong si Velasco sa gobyerno ni Digong. Naupo siyang congressman ng Marinduque sa huling araw ng session matapos palitan si Rep. Regina Ongsiako Reyes noong 2013. Naging chairman siya ng House energy panel sa 17th Congress at sa kasamaang palad ay walang ni isa man lang na naipasang batas. Araguuyyy! Maging sa hanay ng pulitika, wala ring naiambag na tulong si Velasco dahil ang sinuportahan niya noong nakaraang election ay si Sen. Grace Poe. Kaya nga halos matalo sa balwarte niya ang manok ni Digong na si Bong Go at iba pang kandidato ng Hugpong ng Pagbabago. Ano ba ‘yan? Ni minsan hindi rin naipagtanggol ni Velasco ang Duterte administration sa kanyang kritiko at lalong hindi nanindigan sa mga adbokasiya ni Digong. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Ngayon lang umarangkada si Velasco dahil kaya sa suporta ng asawang si Wen, na girl Friday ni San Miguel magnate Ramon Ang? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Tumpak!
Kung tinanggap lang sana ni Velasco ang term-sharing ay hindi na umabot pa sa ganito kagulo ang pagpili ng House Speaker. Kasi nga halos araw-araw laman ng TV, radyo at diyaryo ang maiinit na talakan ng mga Kongresista sa pagsulong ng mga manok nila. Subalit matigas talaga ang ulo ni Velasco at pilit na iginigiit na wala ng ibang dapat humawak ng puwesto bilang House Speaker kundi siya lang. Araguuyyy! Hindi lang ‘yan! Kung si Cayetano ay nag-umpisa na sa panunungkulan, dapat natalakay na ang budget para sa 2020, di ba mga kosa? Kaya sana huwag na humaba pa ang kaguluhan na ito sa pagpili ng House Speaker dahil pati Cabinet members ay nakikisali na. Hak hak hak! Marami ang nagbabantay kung sino ang mapiling Speaker, di ba mga kosa?
Ang huling balita ko, nag-usap noong Sabado sa Davao sina Rep. Polong Duterte, Davao Mayor Sarah Duterte, Velasco, Cayetano at Leyte Rep. Martin Romualdez. Sana, magkaroon na ng win-win solution sa sigalot na ito sa lalong madaling panahon para makapag-umpisa na ng trabaho ang Kongreso. May the best man win! Abangan!
- Latest