^

Punto Mo

20 makatunaw-pusong kuwento

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

2. Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin

ANG 20-year-old na si Kalem Milliard ay namatay sa car accident. Naisipan ng kanyang mga magulang na sina Bill at Tish na i-donate ang kanyang organs. Ang pancreas ni Kalem ay nai-donate kay Jake MacKinnon na may type 1 diabetes simula pa noong ito ay 5 taon. Ang mommy ni Jake na si Janice ay inalam ang address ng mga magulang ni Kalem upang personal itong magpasalamat at makiramay. Simula noon ay naging magkaibigan na ang dalawang pamilya.

Pagkaraan ng 10 taon, nangailangan ng bagong kidney si Bill dahil nagkaroon ito ng kidney failure dahil sa matagal nang iniindang diabetes. Hindi nagdalawang isip si Janice na ialok ang kanyang kidney. Gusto niyang ibalik ang utang na loob nilang mag-ina sa pamilya Milliard. Nadugtungan ang buhay ng kanyang mahal na anak dahil sa organ donation ng anak ng mga ito. This time, parent to parent naman ang magbibigayan ng organ.

Napakasuwerte naman at compatible donor si Janice kay Bill. Naging matagumpay ang operasyon. Lalong naging malapit ang dalawang pamilya dahil sa mga pangyayari. Samantala, si Jake ay maayos na ang kalusugan at nakatakdang ikasal sa kanyang long time girlfriend.

vuukle comment

KUWENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with