^

Punto Mo

4 na bubuyog, nakita sa talukap ng mata ng babae sa Taiwan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Taiwan na nagpunta sa ospital dahil sa kanyang namamagang mata ang nadiskubreng may apat na bubuyog palang naninirahan sa ilalim ng kanyang talukap.

Ayon sa pinuno ng ophthalmology department ng Fooyin University Hospital na si Hung Chi-ting, napansin niya na may paa ng insekto sa ilalim ng talukap ng kaliwang mata ng pasyente.

Nang isailalim sa microscope ang talukap ng babae, napag-alamang may mga sweat bees na namamahay malapit sa kanyang mata.

Ayon sa babae na kinilala lamang sa pangalang He, malamang daw na nakuha niya ang mga bubuyog nang mapuwing siya habang binibisita ang puntod ng isang kamag-anak.

Madalas kasing naninirahan ang mga sweat bees malapit sa mga puntod at natumbang mga puno.

Natanggal naman ang apat na bubuyog mula sa mata ni He at ginamot ang tinamong impeksiyon. Inaasahang makapagpapagaling na siya nang lubusan.

Ayon sa mga doktor, buhay pa ang mga bubuyog nang tanggalin sa mata ni He at mukhang nabuhay raw ang mga ito sa pamamagitan ng pagsipsip sa luha ng babae.

BUBUYOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with