^

Punto Mo

Phobia sa pagluluto

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG alam ko ay katamaran lang ang dahilan kung bakit ayaw magluto ng isang tao. May mas malalim pa palang dahilan. Ito ay phobia sa pagluluto or mageirocophobia. May limang klase ng mageirocophobia:

Takot na magkasakit—Natatakot na ang kanilang niluto ay may bacteria at ito ang magdudulot ng sakit sa bawat kakain. Ito ay mga taong laging nagbabasa tungkol sa foodborne illnesses kaya napapraning na tungkol dito.

Takot na maghain ng pagkaing nakakamatay—Natatakot na ang seasonings na gagamitin ay masama sa katawan. Pasok din dito ang takot na baka hindi kainin ng ibang tao ang kanyang niluto dahil malabsa, dry, hilaw o walang lasa.

Takot na pangit ang kanyang “food presentation”—Ito ‘yung nakakapagluto naman kahit paano pero sa sobrang perfectionist. Natataranta siya kung paano ihahain ang kanyang pagkaing niluto.

Takot na magkamali sa cooking process—Natatakot na baka siya ay mahiwa ng kutsilyo o kaya ay mapaso habang nag­luluto. Isama na rin dito ang natatakot magprito dahil sa pitik ng mainit na mantika. Hindi niya naiintindihan ang ibig sabihin ng mga cooking terminology kagaya ng poaching, blanching, sautéing, etc.

Takot sa Recipe—Sobrang nagugulat kapag nakitang mahaba at komplikado ang procedure ng isang recipe. Natatakot na baka hindi niya masunod nang tama ang mga sinasabi sa recipe procedure at magbunga lang ng disaster ang kanyang pagluluto.

Madalas ay mild to moderate lamang ang nagiging kaso ng mageirocophobia kaya malaki ang pag-asang “magamot” ito. Kapag nabawasan na ang takot, mas makabubuti na unti-unting magluto ng mga simpleng recipe kagaya ng egg omelet, pagsasaing ng kanin, paggisa ng gulay o simpleng pagprito ng isda. Dapat din na maging handa psychologically na magkamali habang nagluluto. Kahit ang pinakamahusay na chef ay may niluluto rin na hindi masarap. Minsan ay maganda lang ang food presentation nila pero kapag kinain mo ay hindi naman pala gaanong masarap.

“It is important to experiment and endlessly seek after creating the best possible flavors when preparing foods. That means not being afraid to experiment with various ingredients.” – Rocco DiSpirito

PHOBIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with