^

Punto Mo

Kampanya ratsada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kahapon umarangkada na ang kampanya para sa mga kandidatong senador at party-list para sa midterm election sa darating na Mayo.

Katulad ng inaasahan, sa unang araw pa lamang ay namutakti na ang mga campaign materials ng mga kandidato.

Mistulang album ang maraming lugar dahil sa nagkalat na mga mukha ng mga kandidato partikular sa Metro Manila.

Bago pa ang opisyal na pagsisimula ng kampanya, ipinag-utos ng Comelec ang pagbaklas sa mga campaign materials katulad ng banner at tarpaulin ng mga kandidato na nagkalat at wala sa common poster area na kanilang itinakda.

Sangkaterba ngang mga tarpaulin at streamer ng mga candidate ang pinagbabaklas, pero ang masaklap nilinis nga para bigyang daan na mailagay ang mga bagong mukha. Karamihan sa lugar na nilinisan ay doon din naglagay ng mga bagong campaign material.

Iba-iba ang laki, nang naglutangang poster ng mga kandidato, na sana ay masubaybayan at maikutan ng mga tauhan ng Comelec para mabatid kung sinu-sino ang mga pasaway at malalakas ang loob na lumabag sa kautusan.

Kung sabagay hindi pa man nagsisimula ang opisyal na kampanya, kalat na ang maraming campaign materials sa ibat-ibang lugar.

Anong common poster area na sinasabi, eh kalat kahit saan ang kanilang mga campaign materials.

Palatandaan lang ito , na hindi yata talaga kinakaya ng Comelec ang pagpapatupad sa kanilang mga itinakdang mga patakaran sa kampanya.

Umpisa pa lang yan, dahil mga tatakbong senador at party -list pa lamang , pano na pagdating ng Marso kung saan magsisimula na rin ang kampanya para naman sa tatakbo sa lokal na posisyon.

MIDTERM ELECTION 2019

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with