10 international food etiquette rules
Thailand
Maling pag-uugali kung gagamitin ang tinidor para ipangsubo ng pagkain lalo na kung ang kinakain ay kanin at ulam. Ang tinidor ay ginagamit na pantulak ng pagkain sa kutsara.
Sa northern at northeastern Thailand, may pagkaing nangangailangan ng paggamit ng kamay. Ang senyales na kailangan mong magkamay ay kung ang isinilbing kanin ay kaning malagkit (glutinous rice). Kung Pad Thai, may gumagamit ng kutsara’t tinidor o chopstick.
Middle East, India, ibang parte ng Africa
Hindi nila ginagamit ang kaliwang kamay sa paghawak ng pagkain dahil itinuturing itong “marumi”. Kanan din ang dapat gamitin sa pagtanggap ng mahahalagang dokumento. Paano kung kaliwete talaga? Ang gagamitin lang ay kaliwa. At huwag kailanman gagamitin ang kanyang kanan.
Georgia USA
Sa mahalagang pagtitipon, ang alak ay dapat na inumin nang straight. Kabastusan maituturing kung sisimsimin o sisipsipin nang dahan-dahan ang alak.
Mexico
Katangahan at kabastusan na kainin ang tacos ng fork and knife. Dapat na kainin ito nang nakakamay.
Italy
Pangkaraniwang almusal nila ay cappuccino lang o may kapartner na croissant. Walang Italian na umoorder ng cappuccino sa bandang hapon or hapunan, kung may umorder, ito ay siguradong turista. Ang kapeng inoorder sa hapon hanggang gabi ay espresso or strong black coffee.
(Itutuloy)
- Latest