Mga anekdota ng US First Ladies
Margaret Taylor: maybahay ni Zachary Taylor. First lady siya mula 1849-1850.
Pinagbintangang siya ang pumatay sa kanyang asawang Presidente. Mga 16 na buwan lang nanungkulan bilang presidente si Zachary Taylor.
Hindi kaagad nailibing ang Presidente dahil ayaw ni Margaret. Biglaan ang kamatayan ni Zachary at hindi ito matanggap ng kanyang maybahay. Pinalagyan niya ng yelo ang bangkay para mapreserba at lagi raw niya itong nakikita.
Hindi rin siya pumayag na maembalsamo ang bangkay kaya isang hinala ang nabuo sa isip ng mga kritiko: Siya siguro ang pumatay. Ayaw niyang ipalibing at ipaembalsamo ang asawa para hindi magkaroon ng pagkakataong maeksamen ang bangkay nito at mabisto na nilason niya ito. Nangamoy na ang bangkay kaya nailibing na rin ang Presidente.
Noong 1991, naisip ng mga kamag-anak ni Margaret na ipahukay muli ang bangkay ng Presidente upang matigil na ang tsismis na nilason ni Margaret ang asawa.
Pagbabalik tanaw: Ilang araw bago ang biglaang kamatayan ng Presidente, umatend siya ng isang pagtitipon dahil itatayo noon ang Washington Monument. Maraming cherries na inihain kaya’t marami siyang nakain.
Noon ay mainit ang panahon kaya’t marami siyang nainom na fresh milk na may yelo. Samakatuwid, naghalo sa kanyang tiyan ang acid ng cherries at gatas.
Pagdating niya sa White House, sobra siyang naiinitan kaya’t uminom siya ng ilang basong malamig na tubig. Noong panahong iyon ay kalat na ang cholera. Idagdag pa ang hindi magandang sistema ng sewerage system.
Malaki ang posibilidad na may bacteria sa tubig ng gatas na ininom niya sa party at tubig na ininom niya sa White House. Nakasama pa ang magkasunod na pagkain at pag-inom niya ng highly acidic cherries at fresh milk.
Namatay siya pagkaraan ng apat na araw ng matinding pagtatae, sakit ng tiyan at dehydration. Na-established ang dahilan ng kamatayan ng Presidente. Naliwanagan na walang kasalanan si Margaret sa kamatayan ng kanyang asawa.
- Latest