^

Punto Mo

Babae sa Texas, nakatanggap ng abo ng tao sa exchange gift

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Houston, Texas na nakatanggap ng teddy bear sa isang exchange gift ang nadiskubreng may laman pala ang nasabing regalo ng abo ng tao.

Nadiskubre ni Rakhi Desai na may labi ng tao sa loob ng teddy bear nang mapansin niya ang kakaibang puso na nakaburda sa stuffed toy.

Nang i-search niya sa internet ang nakatahing “Neptune Society” sa paa ng teddy bear ay saka niya nadiskubreng isa pala itong kompanyang nagcre-cremate at ang isa sa mga serbisyong iniaalok nito ay ang paglalagay ng naabong labi ng namayapa sa mga teddy bears.

Ayon sa kaibigan ni Desai na siyang p­inang­ga­lingan ng teddy bear ay nabili niya raw ito sa isang estate sale, kung saan ipinagbebenta ang mga ari-arian ng mga namayapa.

Nagtanong naman si Desai ukol sa pagkakakilanlan sa may-ari ng abo sa mismong cremation company na gumawa ng teddy bear ngunit sa kasamaang palad ay wala raw silang records tungkol dito.

Sa kabila nito ay umaasa pa rin si Desai na matatagpuan niya ang kamag-anak ng may-ari ng abo, lalo na’t may nakita siyang pangalan na nakasulat sa tag na nakasabit sa teddy bear.

vuukle comment

ABO

RAKHI DESAI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with