^

Punto Mo

Singsing na nahulog sa inidoro 9 na taon na ang nakararaan, natagpuan muli

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NATAGPUAN muli ng isang babae sa  New Jersey ang kanyang diamond encrusted wedding ring halos isang dekada matapos niya itong aksidenteng mai-flush sa inidoro.

Ayon sa 60-anyos na si Paula Stanton ay naglilinis siya ng banyo siyam na taon na ang nakakaraan nang dumulas mula sa kanyang daliri at nahulog sa toilet ang gintong singsing na ibinigay sa kanya ng kanyang asawang si Michael Stanton para sa kanilang 20th wedding anniversary.

Noong una raw ay hindi niya magawang sabihin sa kanyang asawa ang nangyari dahil napakahalaga raw ng singsing sa kanya.

Kalaunan ay sinabi niya rin ito sa kanyang asawa, na binilhan pa siya ng bagong singsing, ngunit umasa pa rin si Paula na muli niyang matatagpuan ang nawalang singsing. Sa pag-asang makikita niya muli ito ay kinontak niya si Ted Gogol, hepe ng public works sa kanilang lugar.

Bagama’t noong una ay sinabi ni Gogol na wala silang natatagpuang singsing sa paglilinis nila ng mga kanal at imburnal sa kanilang lugar, nagbunga naman ang pagtatanong ni Paula sa kanya dahil isang araw nang pauwi na sila mula sa bakasyon kasama ang kanyang asawa ay dinatnan na lang nila ang isang  note sa kanilang pinto na nagsasabi silang agad na kontakin ang the public works department.

Noong una ay inakala raw ni Paula na may public works lang na kailangang isagawa malapit sa kanilang bahay kaya naman laking gulat niya ng sabihin sa kanya ni Gogol na natagpuan niya ang hinahanap niyang singsing.

Ayon kay Gogol ay nasa isang manhole siya na hindi hihigit sa 400 talampakan ang layo mula sa bahay ng mga Stanton nang may mapansin siyang kuminang sa gitna ng burak. Napagtanto niyang isa itong singsing, kaya naalala raw niya ang babaeng nagtanong sa kanya ukol dito.

Nakaukit ang initials nilang mag-asawa sa singsing kaya madaling nakumpirma ni Gogol na sa mag-asawang Stanton nga ang kanyang natagpuang alahas.

Ngayong napasakamay na niya ulit ang singsing ay na-ngako na si Paula na hindi na mawawala sa paningin niya ang singsing, na suot-suot na niya ngayon kasabay ng kapalit na ibinili sa kanya, matapos niya itong pakuluan sa peroxide at lemon juice.

Masaya naman si Gogol na nakatulong siya sa paghanap sa singsing, ngunit naniniwala siyang nakatakda talaga na matagpuan muli ito.

“That ring didn’t want to leave her family,” ayon kay Gogol. “There are so many things that could have happened. It could have been washed away, it could have been crushed, but it was just meant to be,” dagdag pa niya.

vuukle comment

SINGSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with