^

Punto Mo

Pamamanas: Sintomas din ng problema sa puso

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

MADALAS ay napapansin natin ang pamamanas sa paa at sakong matapos tumayo o maupo nang matagal. Ang mga buntis ay madalas ding makaranas ng pamamanas. May mga pagkakataon ding nagkakaroon ng pamamanas dulot ng pag-inom ng gamot. May gamot na kontra-alta presyon na posibleng ang side effect ay pamamanas. Pero dapat nating bigyang-pansin ang pamamanas na nagtatagal at hindi kagyat nawawala. Lalo na kung napapansing paakyat ito sa dakong hita. Edema ang medical term sa pamamanas.

Bakit nga ba nagkakaroon ng pamamanas?

Kapag ang fluid ay tumagas o nag-leak mula sa dinadaluyan ng dugo patungo sa mga nakapaligid na tissues, nagkakamanas tayo. Ang pamamanas ay laging abnormal kaya hindi dapat balewalain. Maaaring ito’y sintomas ng isang sakit. Karaniwang sintomas ng sakit sa puso ang pamamanas at ito’y bunga ng kawalan ng kakayahan ng puso na mag-function nang maayos.

Kapag ang puso ay hindi bumobomba nang sapat, halimbawa sa kaso ng tinatawag na “heart failure,” ang fluid na nasa mga ugat na dapat ay dumadaloy lang nang maayos sa sirkulasyon ay naiipon lang. Ang naipong fluid na ito ay tumatagas o nagli-leak mula sa mga ugat patungo sa nakapaligid na tissues, na nauuwi sa pamamanas o pamamaga.

Kalaunan, ang mahinang pagbomba ng puso ay nauuwi sa pag-unti ng dugong dumadaloy patungo sa kidney. Kapag nangyari ‘yun, ang bato ay hindi na makapaglalabas ng sobrang fluid bilang ihi. Ang naturang sobrang fluid ay naiipon sa buong katawan kung kaya’t parang nadadagdagan ng timbang ang katawan, parang tumataba.

Isipin natin ang posibilidad ng pamamanas kung napapansin ninyong nadadagdagan ang inyong timbang gayong hindi naman nagbago ang inyong pagkain.

Ang pamamanas ay dapat bigyang-pansin ngayon pa lang. Kailangang masuri kayong mabuti kapag may pamamanas. Ang mga available na gamot ngayon ay mapapahinto ang pagkakaroon ng sakit sa puso o pati na ang posibilidad ng atake sa puso.

Kapag nagpunta sa doctor dahil sa pamamanas, gagawin sa inyo ang ilang diagnostic tests. Doon ay malalaman n’yo ang performance ng puso o kung paano mag-respond ang puso n’yo sa stress o kung may damage ba sa masel ng inyong puso.

May mga tests din na magsasabi kung may pagkitid ba na nagaganap sa ilang arteryang ugat. Lahat ng impormasyong ito ay tutulong sa inyong doctor upang maibigay ang pinakamabuting gamutan para sa inyo.

Heto pa ang ilang posibleng sintoma ng sakit sa puso: pananakit ng dibdib, palpitations, pangangapos ng hininga, at labis na pagkahapo.

Binabati ko ang aking kaibigang nurse-entrepreneur na si Richard Pasamba Nollen na nagbabakasyon sa Pilipinas mula sa New York, USA. Si Richard ay tubong-Atimonan, Quezon at tagapagtatag ng Project Duke, isang organisasyong naglalayong mapabuti ang buhay ng mga out-of-school youth (OSYs) sa pamamagitan ng mga training na hinihimok na sila’y maibalik sa pag-aaral. Kasama niya sa Project Duke ang iba pang board directors na sina Ms Rosalee Pagnamitan ng MGC New Life Christian Academy at co-founder ng Project Duke; Dr. Grace Reoperez, ng UP College of Education-Diliman; Ms Juliet Alegarme ng DSWD, at ako. Welcome home, Richard.

PUSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with