^

Punto Mo

Malaking plaka sa motorsiklo panlaban sa krimen!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sunud-sunod na naman ang pag-atake ng mga de-motorsiklong mga kriminal at kawatan.

Sa mga nakalipas na araw ilan ang nasangkot sa mga pagpatay, ang ilan naman ay sa mga holdapan.

Nakakaalarma lalo na nga’t nalalapit na ang holiday seasons, kung saan posibleng sumalakay ang mga ito at biktimahin ang marami nating kababayan.

Motorsiklo ang madalas gamitin ng mga kriminal at kawatan sa kanilang operasyon.

Madali kasi silang nakakatakas lulan ng motorsiklo kung saan nakakapasok kahit sa maliliit na eskinita .

Madalas walang plaka ang motorsiklong gamit ng mga kriminal kung meron man malamang na pinalitan ito ng iba.

Isa sa naisip na paraan na makakatulong para masawata ang mga ito sa lansangan ay ang pagpapalaki ng plaka ng mga motorsiklo.

Malapit na itong maisabatas at nakatakda nang isalang sa bicameral conference committee ngayong linggo.

Kung makapasa, raratipikahan ang panukala at ipapasa na sa Palasyo para malagdaan ng Pangulo.

Sakaling maging ganap na batas hindi na papayagang makalabas sa lansangan ang mga motorsiklong walang malaking plaka.

Sakaling nakawin ang kanilang plaka dapat sa loob ng 48 oras ay maireport na ito sa mga kinauukulan para may rekord. Kung mabigo ang may-ari na i-report ang pagkawala nito at nagamit ang kanyang plaka sa anumang krimen, papapanagutin din ang may-ari ng plaka.

Ang laki ng plaka ay sinasabing mababasa hanggang 12 metro buhat sa motorsiklo.

Base sa rekord ng PNP, mula 2010 hanggang 2017 umaabot sa 28,409 motorcycle riding crimes o incidents ang naiulat. Aabot naman 13,062 o 46 percent ang shooting incidents.

Mula naman noong Oct. 2017 hanggang Hunyo ng 2018 nakapagtala ang PNP ng 933 shooting incidents na gawa ng motorcycle-riding suspects, 862 rito ay murder at 71 ang homicide.             

BICAMERAL CONFERENCE COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with