^

Punto Mo

Kailangan pa ba ng bakuna para sa adults?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

KAHIT adults na tayo, may mga pagkakataong kailangan pa rin tayong bigyan ng “shot” o bakuna. Madalas, naiisip natin na pambata lamang ang mga bakuna. Pero kahit ang mga senior citizens ay nababakunahan din laban sa “flu”. Kung tawagin natin ito ay “flu shots.” Bawat taon ay nag-iiba-iba ang strain ng virus na nagdadala ng trangkaso kaya taun-taon din silang nababakunahan laban dito.

 

Sadyang may nakalaan na tamang iskedyul sa bawat bakuna, depende sa kung anong klase ng sakit ang poprotektahan. May bakunang kailangang 3 dosis ibigay (na may interval ng kung ilang linggo). Hindi kasi nagiging lubos ang proteksyon kapag minsan lamang ibinigay ang bakunang nakalaan para sa 3 dosis gaya ng bakuna para sa polio, dipterya, pertussis (tuspirina), tetano, at hepatitis B. Ang bakuna sa hepatitis A at bulutong-tubig ay kailangan ng 2 dosis. Isang dosis lamang para sa tigdas, beke, at German measles. Dapat alam natin kung ilang dosis ang nakalaan sa bakunang tatanggapin natin.

Ang mga kababayan nating mag-a-abroad ay may tinatanggap ding bakuna. Kaya normal lamang sa ating mga OFWs na tumanggap ng “shots” bago umalis ng bansa.

Bakit may nagkakaroon pa rin ng sakit kahit nakapagbakuna na?

Ito’y sapagkat hindi talagang 100% ang naibibigay na proteksyon ng bakuna. Minsan ay 95-96% lamang. Maaaring may maliit na populasyon pa rin na maaaring magka-bulutong-tubig, halimbawa, kahit nabakunahan na para rito. 

Anong klase ng mikrobyo ang ginagawang bakuna?

Mikrobyong bacteria at virus ang ginagawang bakuna. Pinahihina muna ang bagsik ng mga naturang mikrobyo at kinokontrol ang dosis at interval bago ito ipinapasok sa katawan ng tao. 

Anong mga sakit sa Pilipinas ang kasama sa pinababakunahan natin?

Ang gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Health (DOH), ay naglabas ng listahan ng tinatawag na “Expanded Program of Immunization.” Nakalista rito ang mga sakit na maaaring maiwasan kung magpapabakuna lamang. Kasama rito ang BCG (para sa TB); DPT (para sa Diphtheria, Pertussis, at Tetanus; Oral Polio Vaccine (para sa Polio); Hepatitis B vaccine (para sa Hepatitis B); Measles vaccine (para sa Tigdas); MMR vaccine (para sa Measles/Tigdas, Mumps/Beke, at Rubella/German Measles); at Hib vaccine (para sa flu/trangkaso).

Ano pang mga sakit ang puwedeng pabakunahan?

May bakuna na rin para sa Chicken pox/bulutong-tubig. May pneumococcal vaccine para sa pulmonya, Hepatitis A vaccine para sa Hepa A infection, at Rotavirus vaccine (para sa LBM na dulot ng rotavirus). 

Puwede bang magpabakuna kung may ubo’t sipon ang bata?

Puwede. Hindi contraindication ang ubo’t sipon sa pagpapabakuna.

Kung hindi nakumpleto ang bakuna noong bata pa, puwede pa bang magpabakuna kahit adult na?

Puwede pa rin. Rerebisahin ng doctor kung ano ang bakunang natanggap na at kung ano ang bakunang puwede pang ibigay na akma sa kaniyang edad.

VACCINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with