^

Punto Mo

Mag-ingat sa modus ng ‘salubong-alok’ sa mall!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MATATAMIS na ngiti, nagguguwapuhan o naggagandahang mukha at matatabil na dila. Eto ang mga puhunan ng mga ahente ng iba’t ibang kumpanya na nag-aalok ng produkto sa loob ng mall.

Mapa-insurance, sasakyan, condominium, house and lot, medical, wellness and beauty products at siyempre pa, appliances. Dahil kailangang makabenta, kanya-kanya ng sales and marketing strategy ang mga ahente.

Ang ilan, sa sobrang agresibo ay gumagamit na ng elemento ng panlilinlang at panloloko. Ang mga biktima, sa huli na magsisisi dahil nahulog sila sa bitag ng mga nasa likod ng modus na salubong-alok sa mall.

Simula ng ipanganak ang BITAG noong 2002, hanggang sa ngayon, iba’t ibang klase na ng ganitong modus ang naengkuwentro namin. Magmula sa pipitsuging mall hanggang sa pinakakilalang mall sa Metro Manila.

Naka-upload ngayon sa YouTube ang maling estilo ng pagbebenta ng Arysta Marketing, isang appliance center sa Harrison Plaza sa Maynila. Kanilang frontliners, mga nagseseksihang ahenteng paiklian ang suot na palda.

Sasalubong sila sa mga potential costumers (‘yung mukang may pera lalo na kung mukhang OFW). Aanyayahan sa kanilang opisina sa loob din ng mall para sumali sa raffle kuno kung saan may mapapanalunang appliances.

Pero pagpasok sa opisina, para makuha ang premyo ay kailangang bumili ng ibang items na kanilang inaalok. Ang iba, makukumbinsi dahil sa akalang sila’y nakamura pero pagdating sa bahay, palyado ang mga ito saka ka mapapamura nang malutong.

May mga biktima naman na sa sobrang aliw sa ahente, sinarapan sa pakikipagkuwentuhan, naibigay ang ATM o credit card. Dahil nakalingat, nai-swipe na ng mga kasamahan ng ahente, instant purchase ang dating.

Lumang estilo ng panloloko pero sa maniwala kayo’t sa hindi, marami pa rin ang naloloko ngayon lalung lalo na ang mga kababayan nating OFW at balikbayan.

Sa Metro Manila man o sa mga probinsiya, nabiktima ba kayo o may nalalamang ganitong uri ng modus? Makipag-ugnayan agad sa BITAG sa pamamagitan ng mga detalyeng ito:

BITAG-KILOS PRONTO ACTION CENTER - 102 Richwell Center Timog Avenue, Quezon City.

O kaya naman, mag-email sa [email protected]. Maaari ring tumawag sa aming hotline, 281-4257.

Layunin ng BITAG na ilantad ang ganitong uri ng mga panloloko para makaiwas ang publiko.

MODUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with