Pamilya mula Japan, narating ang Brunei sa pamamagitan ng pagbibisikleta
ISANG pamilya mula Japan ang nagawang marating ang Brunei sa pamamagitan ng pagbibisikleta.
Ang nakakamanghang paglalakbay ay bahagi ng proyekto ng pamilya Sakamoto na malibot ang buong mundo habang sakay lang ng bisikleta.
Sinimulan sa Nepal ni Tatsu Sakamoto at ng kanyang asawa at dalawang anak ang kanilang biyahe papuntang Brunei.
Mula Nepal ay narating ng pamilya Sakamoto ang Bhutan, kung saan binisikleta nila hanggang marating nila ang kanlurang bahagi ng Malaysia.
Mula Malaysia, tumawid sila pa-Singapore kung saan kinailangan na nilang sumakay ng eroplano upang marating ang isla ng Borneo.
Lumapag sila sa Kuching, kung saan nagsimula muli sila ng pagbibisikleta hanggang sa marating na nila ang Brunei.
Ayon kay Tatsu, ito na ang ika-apat na taon ng paglalakbay ng kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagbibisikleta. Noong unang taon daw ay New Zealand ang kanilang nilakbay at pagkatapos noon Europa naman. Noong isang taon lang ay nilakbay din nila ang North America sakay lamang ng bisikleta.
Plano ni Tatsu at ng kanyang pamilya na malibot ang mga natitira pang bahagi ng mundo sa susunod na apat na taon.
- Latest