^

Punto Mo

Pinakamalaking jigsaw puzzle sa mundo, binuo sa Dubai

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MUKHANG walang ba­lak ang Dubai na tumi­gil sa pagtatala ng mga world records matapos madagdag sa mahabang listahan ng mga naitala sa nasabing siyudad, ang world record para sa pinakamalaking jigsaw puzzle sa mundo.

Bilang bahagi ng seleb­rasyon ng ika-100 ng taon ng kapanganakan ng kinikilalang ama ng United Arab Emirates na si Sheikh Zayed bin Sultan Al Nahyan ay binuo sa Dubai ang isang dambuhalang jigsaw puzzle na nagtatampok ng kanyang imahe.

Binubuo ang jigsaw ng higit 12,000 piraso at may lawak na 6,000 square meters. Sa sobrang laki ng jigsaw puzzle, kitang-kita ito sa himpapawid.

Isinapubliko ang jigsaw puzzle sa isang seremonya kung saan piling mga indibidwal ang nagpuwesto sa mga hu­ling piraso ng jigsaw na siyang kumumpleto sa puzzle.

Wala namang dapat ikabahala sa kalat na maaring idulot ng libong mga piraso mula sa jigsaw puzzle dahil ire-recycle naman daw ang lahat ng ito ng lokal na pamahalaan sa Dubai.

Nahigitan sa lawak ng giant jigsaw puzzle ng Dubai ang dating pinakamalaking jigsaw puzzle sa mundo na binuo sa Hong Kong noong 2002 na may sukat na 5428.8 square meters.

JIGSAW PUZZLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with