Pinakamalaking protesta na isinagawasa pamamagitan ng surfing, idinaos sa Israel
HALOS 1,000 surfers sa Israel ang lumahok sa sinasabing pinakamalaking protesta sa mundo na isinagawa sa pamamagitan ng pagsu-surfing.
Idinaos ang protesta upang labanan ang offshore drilling na isinasagawa malapit sa baybayin ng Israel.
Layunin sana ng 992 na mga surfers na makumbinsi ang mga kinauukulan na gawing mas malayo ng 10 kilometro ang mga oil rigs mula sa baybayin.
Bumuo ng isang malaking bilog sa gitna ng Mediterranean Sea ang mga surfers. Nahigitan ng grupo ang 511 na bilang na isinagawa ang katulad na aktibidad noong isang taon sa Huntington Beach sa California.
Bukod sa pagbuo ng dambuhalang bilog sa gitna ng dagat ay nagsagawa rin ng pagkilos ang mga surfers sa beach sa ilalim ng slogan na “the sea is not for sale.”
Ayon kasi sa mga environmentalists sa Israel ay mapipinsala ang kanilang mga baybayin kung magi-ging masyadong malapit ang mga gagawing pagbubungkal para sa langis.
- Latest