10 maliliit na bagay na nakakapagpa-feeling mayaman
May 30, 2018 | 12:00am
- Kapag napakalinis at napakaayos ng iyong bahay.
- May garden ka, kahit maliit pero puno ng magagandang halaman.
- Kahit magpapa-blower lang ng buhok, dumadayo ka sa parlor dahil mas mainam na isang professional ang gumawa nito para sa iyo.
- May nakadispley na fresh flowers sa iyong salas. Hindi lang nakakaganda ng salas ang mga bulaklak kundi nakakaginhawa ng isipan at kaluluwa.
- Sa halip na mamalengke sa nagpuputik na public market, doon ka namimili sa malaking supermarket, organize na ang mga paninda, walang mataray na tindera, walang putik na maniningit sa iyong naka-pedicure na kuko at tama sa timbang ang lahat ng bibilhin mo.
- Magbakasyon sa isang resort sa probinsiya o kung may kaunting budget, sa abroad.
- Knowledge. Nakaka-feeling mayaman kung sa pakikipagkuwentuhan mo sa ibang tao ay marami kang alam. Basta’t palabasa, hindi mo kailangan ang PhD level na edukasyon.
- Meditation. Araw-araw mag-meditate ng ilang minuto.Ayon sa pag-aaral, ang meditation ay nakakatulong upang maiwasan ang pagiging balisa, depresyon at nakakatulong na matanggal ang hika. Nagdudulot ito ng positive feeling kagaya ng pagiging kuntento sa buhay.
- Sisimulan mo ang iyong umaga ng masarap na timpla ng kape at isang masaganang almusal — egg, fried rice, bistik, inihaw na bangus. Plus basa ng diyaryo pagkatapos kumain.
- Kumakain kayo ng almusal na pulos nakapaligo at nakabihis nang maayos. Nakaka-feeling mayaman yun. Kaysa may muta pa at hindi pa nagmumumog pero bumabalandra na sa dining table. Pang-poor ang mga ganoong istilo.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended