^

Punto Mo

Titser na bully

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAMI sa Kilos Pronto, walang pinipiling reklamo. Basta’t ikaw ay inagrabyado, niloko, tinarantado at inabuso handa kaming sumaklolo. Kami pa mismo nina Tol Erwin at Alex Santos ang tatayong abogado para sa inyo.

Tulad na lamang ng reklamong natanggap namin noong nakaraang linggo. Isang estudyante ang lumapit sa aming tanggapan at nagpasaklolo. Ang kanya kasing mga kaeskuwela sa Fast Aviation Academy sa Bacolod, ilang taon na siyang binubully!

Sa dalawang taon niya sa naturang eskuwelahan puro pambu-bully ang inabot niya sa kanyang mga kaklase. Binabatuk-batukan, sinasakal, hinahamon ng suntukan at pinagsasabihan siya ng mga masasakit na salita.

Pasimuno sa katarantaduhang ito, ang titser nila mismo! Hanggang sa kanyang on the job training (OJT) tampulan pa rin ng tukso ang binatilyo. Dahil sa trauma at kahihiyan, ayaw nang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nawalan ng kumpiyansa at natakot na makipagkaibigan sa ibang tao.

Pati imitation ng Rolex na relo, kinasangkapan ng mga siraulo. Pinalalabas na ninakaw ng estudyante ang relo at pilit siyang pinaaamin. Pati pagtutulak ng droga ibinibintang sa kanya!

Susko naman! Eskuwelahan ang nagsisilbing pangalawang tahanan ng mga bata at mga guro dapat ang tumatayong pangalawang magulang nila. Hindi ‘yung kayo pa mismo ang ugat ng problema! Hindi naman na yata makatao ‘yang kabastusan ninyo.

Kayong mga nasa Fast Aviation Academy o lahat nang eskwelahan, malaki man o maliit, makinig kayo! Kayo dapat ang nagtuturo at naghuhulma sa isipan ng mga bata at nagsisilbing modelo sa kanila habang maliit pa sila.

Kung may problema, dapat ayusin n’yo. Ipinagkatiwala sa inyo ng mga magulang ang kanilang mga anak kaya ipakita n’yo na karapat-dapat kayo. Sayang ang ipinapasuweldo sa inyo!

Hindi biro ang pinagdadaanan ng mga taong nabu-bully. Malaki ang nagiging epekto nito sa isang tao at madadala niya itong habang siya’y nabubuhay. Kung minsan pa nga, nagdudulot ito ng depresyon at nagiging dahilan ng pagkitil ng mga kabataan sa sarili nilang buhay.

Kaya sa oras na may makita kayong mga tao na binubully, bata man o matanda huwag kayong magdalawang isip na tumulong at sumaklolo. Isipin mo na sa bawat isang taong pinigilan mo, isang buhay din ang naisasalba mo.

OJT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with