^

Punto Mo

‘Sa text nasipat!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

SA Senado iniimbestigahan ang malalaking kaso pero dito din nagsisimula  ang mga patutsada ng ilang Senador sa kapwa Senador kaya nagreresulta ito ng kasuhan.

Nagpahayag na si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng kanyang kagustuhang sampahan ng kaso si Senator Risa Hontiveros dahil sa ilang paglabag nito.

Four counts ng paglabag sa RA 4200 o Anti wire-tapping Law at may ethics complaint pa, civil case at hihingi ng danyos si Sec. Aguirre.

Nag-ugat ang kasuhang ito nang ipakita ni Sen. Hontiveros ang litrato ng screen ng cellphone si Sec. Aguirre at nakitang may ka-text ito na nagngangalang Cong. Jing.

Matigas ang pahayag ni Sec. Aguirre na lahat ng anggulo at pwede nilang isampa laban kay Sen. Hontiveros dahil nilabag nito sa kanyang privacy.

Ang mga mensahe sa cellphone o sa text ay pribadong komunikasyon na hindi pwedeng isapubliko.

Matapang namang sumagot ang Senadora sa mga kasong isasampa ni Sec. Aguirre. Hamon niya “Go ahead. See you in court Mr. Aguirre.”

Hindi natinag ang babaeng Senadora at sinabing “Secretary is chasing a dead end.”

Naalala ko nung araw nang maghabla si Estrella ‘Star’ Elamparo laban kay Cheche Lazaro ang host ng multi awarded television program na PROBE nang kapanayamin niya ito sa kanilang programa.

Nag-umpisang magsalita ang kinakapanayam na si Ella Valencerina sa pag-aakala na hindi pa gumigiling ang kamera.

Nagbakbakan sila sa husgado at na-dismiss ang kaso sa Pasay MTC at sinabing walang nalabag si Lazaro sa nangyaring interview.

Heto naman ngayon sina Sen. Hontiveros nang magbigay ng privilege speech sa Senado at binatikos ang text messages ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre.

Naipakita sa publiko ang nilalaman ng mensahe sa kanyang cellphone. Parang umiikot lang ang isyu. Ang kakaiba dito isinampa ni DOJ Sec. sa Department of Justice. Sana naman maging balance ang pagtimbang ng mga ebidensya at ang tinatawag na ‘appreciation of facts’.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with