^

Punto Mo

‘Pinasabog!’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

SA isang labanan walang talo walang panalo laging merong biktima tulad na lamang nang nangyayari ngayon sa mga residente sa Lanao del Sur kung saan nagbabakbakan ang militar at ang Maute Group.

Walang habas na putukan. Ang mga balang lumilipad mula sa kanilang mga baril, ang iba ay granada at mortar ay wala namang nakasulat na dapat tumama lamang ito sa kalaban.

Kung minsan ang mga kawawang sibilyan ang nadadali kaya’t putok lamang ng firecrackers ay nangangatog na sila.

Abril 21, 2017 pa nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Maute Group. Sa takot ng mga residente ng Piagapo at Wato na maipit sa labanan ng dalawang grupo kaya minabuti na nilang lumikas.

Ang grupong ito ang pinaniniwalaang puno ng mga pagdukot at ilan pang hindi magandang gawain sa Mindanao.

May nakapagbigay ng impormasyon na nasa Piagapo ang grupo kaya naman gumawa na ng hakbang ang militar laban sa kanila. Kinanyon ng militar ang kuta ng Maute at patuloy pa ang labanan sa pagitan ng dalawang grupo.

Kasalukuyang nasa ligtas na lugar ang mga residenteng nagsilikas at agad naman silang binigyan ng mga relief goods ng local government.

Ang hakbang nilang ito ay bilang pagsunod sa utos ni Presidente Rodrigo Duterte na buwagin ang local terrorist sa bansa.

May natanggap silang ulat na hindi bababa sa labing limang miyembro ng Maute group ang namatay ngunit kailangan pa daw nilang beripikahin ang balitang ito.

Sa panig naman ng militar ay walang naitala o nabalitang namatay.

Pinaiigting naman ng mga pulis ang seguridad sa papasok at palabas sa lugar upang hindi makalabas o makapasok ang ibang miyembro ng Maute na maaaring sumaklolo sa grupong nasa Piagapo.

Hindi lamang sa Lanao dapat maging mapagmatiyag ang mga mamamayan kundi sa lahat ng sulok ng bansa dahil hindi natin alam kung saan ang susunod na lugar na pupuntiryahin ng bandidong grupo.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

PINASABOG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with