Rebulto ng anghel sa UK, gawa sa 100,000 patalim na kinumpiska ng mga pulis
ISANG 26-talampakang taas na rebulto ng isang anghel ang nilikha sa United Kingdom gamit ang 100,000 patalim na nakumpiska ng mga pulis doon.
Pinili ng artist na si Alfie Bradley na gawing materyales ang mga patalim bilang paggunita sa mga naging biktima ng pananaksak sa kanyang bansa.
Tinagurian ang rebulto bilang ‘Knife Angel’ at nangga-ling ang ideya sa likod nito mula sa isang documentary tungkol sa tumataas na insidente ng krimen sa United Kingdom.
Upang makaipon ng 100,000 patalim ay kinailangan ng grupo ni Bradley na makipag-ugnayan sa 43 tanggapan ng pulis sa buong UK. Naglagay sila ng ‘knife bank’ sa bawat presinto upang doon ilagay ng mga pulis ang mga kutsilyong kanilang nakukumpiska.
Pagkatapos ng dalawang taon na pangangalap ng mga patalim ay natapos din ang obra ni Badley.
Tumulong pa ang kamag-anak ng mga naging biktima ng pananaksak sa pamamagitan ng pag-uukit ng kanilang mensahe sa ilan sa mga patalim na bahagi ng rebulto.
Nakatakdang ilibot ang ‘Knife Angel’ sa buong UK upang maipaabot sa publiko ang lumalalang problema ng krimen sa UK, partikular na ang dumadalas na insidente ng mga pananaksak doon.
- Latest